Journey 6- Erebu

22 1 0
                                    

Ela’s POV

"Bakit kaya tayo dinukot?" ako na ang bumasag sa tensyong nararamdaman namin. Alam kong takot na takot rin itong mga kasamahan kong bihag

"Hindi ko nga rin alam eh... Ano nga kaya ang dahilan ni Denshu?" -Mairi (Genro)

"Alam nyo ang ipinagtataka ko lang, hindi tayo pinapahirapan dito gaya ng inaakala natin na trato sa mga bihag. Sa katunayan ay alagang alaga tayo. Hindi tayo nakatali, maganda ang silid na pinagkulungan sa atin maging ang kamang tinutulugan natin. Pinapakain rin tayo ng maayos.." malaking palaisipan talaga ito para sa akin.. Ano nga kaya talaga ang binabalak ng mga taga Ryuun sa amin

"Napansin ko nga rin iyon" Fara (Yunen)

"Pero masama pa rin ang kutob ko.. Kung tumakas kaya tayo?" -ako

"Baka may halimaw na gumagala sa kastilyong ito Ela..." -Yune (Ziru)

"N-natatakot ako...." umiiyak paring sabi ni Shera (Ryuun)

"Tahan na Shera, huwag ka nang umiyak" -Fara

Hindi ko rin masisi kung bakit iyak ng iyak yang si Shera. Sa nakikita ko, mapait na pamumuhay ang kanyang dinaranas dito sa Ryuun kahit na ang galing siya sa angkang dugong bughaw. At siyempre mga bihag kami at hindi namin alam kung anong kapalaran ang naghihintay sa amin kaya talagang kami'y kakabahan. Nagpakawala na lang ako ng malalim na paghinga saka tinungo ang pintuan, nagbabakasakali na baka bukas at nakalimutang isara ng kung sino mang kawal ng Ryuun na nagbabantay. Wala pa kasing naglalakas loob sa amin na lapitan ang pintong ito. Pero ngayon ay susubukan ko, kelangan na kaming makalabas dito sa lalong madaling panahon.... Tinangka kong buksan ang pinto at bumukas nga!

"H-hindi nakakandado ang pinto! Tayo na, tumakas na tayo!" agad kong baling sa kanila pero... Nakatingin lang silang apat sa akin at wala ni isang gumagalaw sa kanila

"B-Bakit? Huwag nyo sabihing natatakot kayo, pagkakataon na natin ito!" pero wala parin silang kibo "O sige, ako na lang ang lalabas at pag natiyak kong ligtas sa labas ay babalikan ko kayo"

Kumilos na ako. Sana ay walang mga kawal na nagbabantay dahil mahihirapan talaga ako. Paglabas ko ay laking pasalamat ko dahil wala ngang nagbabantay! P-pero nakakatakot... Hindi naman madilim pero hindi rin gaanong maliwanag. Tanging ilaw ng mga malalaking lampara sa paligid ang nagbibigay liwanag dito. Dahan dahan kong nilalakad ang mahabang pasilyong ito. Tumingin ako ulit sa paligid ko, nakakalito. Ang daming daanan kaya nahihirapan akong pumili. Bahala na... Pikit mata na lang akong dumeretso sa nakikita kong mahabang daanan. Palinga-linga sa paligid akong naglalakad at nagulat ako nang ibinalik ko na ang aking tingin sa harapan. May makakasalubong na pala ako! At kung hindi ako nagkakamali, siya si.....

"D-Denjo?" at natigilan ako

Papalapit na siya sa kinatatayuan ko. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko at napapikit na lang. Mukhang huli na.. Wala na akong takas nito!

Hayan na siya, ilang distansya na lang ang lapit nya.. Ilang----huh? Teka, nilagpasan lang niya ako! Anong ibig sabihin non, hahayaan na niya akong tatakas? Nilingon ko siya sa likod at naglalakad na siya palayo

"S-Sandali!" -ako

Napalunok ako. Tumigil siya at nilingon ako. Kahit medyo malayo at hindi gaanong maliwanag ay kitang-kita ko pa rin ang mukha nya na natatakpan ang kabilang mata. May narinig akong nabulag ang kabilang mata nya noong nangyari yung trahedya sa Ryuun. Kung titingnan ang nilalang na ito ngayon, hindi mo aakalaing bukod sa mapanganib ay tiyuhin din siya ng salot na si Denshu. Napakaamo.. Napakaamo talaga ng kanyang mukha. Pero b-bakit? Bakit wala akong masabi ngayon? Ito na yung pagkakataon na makausap ko man lang siya!

Journey (Seeking the Cursed One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon