Journey 1- Ang Panimula

72 2 2
                                    

*Sa Kaharian ng Yunen*

Tandang Ryudo : Bago pa man mahuli ang lahat ay kailangan na nating kumilos. Lumabag na siya sa patakaran!

Ereyos (Shun ng Genro) : Kailangang pag-isipang mabuti ang mga hakbang na gagawin

Tandang Soh : *buntong hininga* Kung nandito lang sana ang anak mo Shun Ranus..

Ranus (Shun ng Yunen) : Umaasa akong babalik pa rin si Erebu

Runo (Shun ng Ziru) : Kung inyong mamarapatin, bakit hindi na lang tayo ang maghanap sa kanya?

Zueh : Kaya tayo nagpulong-pulong lahat dito ay upang pag-usapan ang tungkol sa bagay na yan. Makinig kayong mabuti lalo na kayong tatlo, Shun Runo, Shun Ereyos at Shun Senshi. Dahil kayo ang naatasang maghanap kay Erebu.

Senshi : Ngunit sadyang napakahirap niyan sa kadahilanang ni hindi namin alam kung ano ang itsura ng anak ni Shun Ranus

Tandang Ryuudo : Yan nga ang mahirap. At ang masaklap ay wala siya ni anumang palatandaan sa katawan para malamang siya si Erebu

Tandang Soh : Mayroon tayong lumang paniniwala na nakalagay sa lumang aklat. At ang paniniwalang ito ay maaaring maging daan upang mahanap ang tagapagligtas. Ayon sa nakalagay dito, kung may nawawalang Shun o nakatakdang maging Shun ay kailangang magsama ang tatlo o apat na Shun sa paghahanap dahil tadhana na mismo ang magtatagpo sa tamang panahon…

**********

Sino nga ba ang tinutukoy nilang lumabag sa patakaran?

At sino si Erebu? Ano ang kanyang kayang gawin?

Magtagumpay naman kaya ang tatlong Shun na sina Senshi, Ereyos at Runo sa paghahanap sa taong maaaring magligtas sa buong isla?

Sa pusod ng karagatan ay may isang mahiwagang islang nababalutan ng misteryo. Ito ay binubuo ng limang Kaharian. Ang Kaharian ng Ryuun, Janai, Genro, Ziru at Yunen. SHUN naman ang tawag sa taong namumuno sa bawat Kaharian.

*********

Denjo’s POV

*Sa Kahariang Ryuun*

“Kumpleto na ang ating limang alay, Feng” bungad sa akin ng pamangkin kong si Denshu

“Ang hihintayin na lang natin ay ang pagsasanib ng araw at buwan” ako

“At kailan naman iyon magaganap? Hindi mo pa sinsabi sa akin kung ano ang mangyayari pagkatapos ng pag-aalay” pamangkin

“Malalaman mo rin aking pamangkin, ngunit hindi pa ngayon ang tamang panahon. Para rin ito sa kapakanan ng lahat, lalo na sayo Denshu” tanging sagot ko na lang

“May tiwala ako sayo, Feng”

Tinapik ko na lang ang kanyang balikat at saka ngumiti

“Nasa ilalim nap ala ng kastilyo ang mga alay” pamangkin

“Doon na lang muna sila hanggang sa dumating na ang panahon ng pag-aalay. Kahit na makatakas man sila sa silid na pinagkulungan ninyo sa kanila ay hindi rin sila makakatakas sa labas, maliligaw lamang sila. Siya nga pala, may balita akong kumikilos na raw ang taga-ibang kaharian laban sa atin” ako

“Mga dakilang mangmang, nagsasayang lamang sila ng kanilang panahon. Kahit anong gawin nila ay mas malakas parin ang Ryuun” pamangkin

“Ipapaalala ko lang sayo pamangkin, ingatan mong mabuti ang sagrado mong lihim” ako

“Oo naman. Siya nga pala, paano natin malalaman kung nalalapit na ang araw ng pag-aalay?” siya

Kinuha ko ang isang bilog na kristal at ipinakita ito sa aking pamangkin

Journey (Seeking the Cursed One)Where stories live. Discover now