Journey 7- Sa Ilog

26 1 0
                                    

Runo’s POV

Hay naku talaga ang dalawang iyan. Aba eh naghabulan ba naman na parang mga bata. Grabe naman kasi kung makapang asar ang gunggong na Senshi na yan. Pero minsan, nakakatuwa ring kasama yan eh, hindi mo alam kung matatawa ka o hindi. Hindi kayo nagtaka at hindi na Shun Senshi, Shun Runo o Shun Ereyos ang tawagan namin? Pasimuno lahat yan ni Senshi, masyado daw pormal at parang pinapatanda ang edad namin pero ang totoo eh siya lang itong may ayaw. Sa bagay eh halos magkakaedad lang kami dito at para nang magkakapatid ang turingan namin kaya ayos lang.

“A-ano yang pinagtatalunan nila?”

Nilingon ko ang nagtatakang si Hime. Nakatingin pa rin siya sa dalawang naghahabulan.

“Parang gusto ko na ring maniwala sa natuklasan ni Senshi kay Ereyos” natatawang sabi ko.

“Natuklasan?” lingon niya sa akin

Imbes na sumagot ay ginulo ko na lang ang buhok niya. Minsan eh parang bata din itong si Hime

---

Nakababa na kami ng bundok at naabutan namin si Bo sa tabing ilog. Mukhang kanina pa naghihintay. Mabuti at maaliwalas na ang kanyang mukha. Ngumiti siya sa amin

“Pahinga muna tayo” Bo

“Kami lang yata ang kailangang magpahinga, mukhang kanina ka pa nakapagpahinga eh” ako

“Mabahong Bo na si Erebuuu! Tamang-tama dud, may ichi-chika  ako sa’yo” lapit agad ni Senshi

“Talaga? Ano naman iyon?” Bo

“Tungkol sa natuklasan ko kanina, kay EREYOS!” at nilingon ni Senshi si Ereyos na sobrang talim ang tingin sa kanya

“Ah Bo, maaari ko bang hiramin yang espada mo? Dadanak ata ng dugo dito at ayokong gamitin ang espada ko”

“Oo ba, saan mo gagamitin? May kalaban bang darating?” Bo

“May puputulan lang ako ng buhok, baka isama ko na rin yung ulo” Ereyos

“Wahh! Nakakakilabot namang pakinggan yan Ereyos” at ang gago, nagtago sa likod ni Hime

“Ba’t sa akin ka nagtatago Senshi, baka madamay ako dito” Hime. Tsk tsk, napakainosente nga

“Huwag kang mag alala, hindi iyon magagawa ni Ereyos sayo, Hime… Hindi ba Ereyos? hihi” at sinulyapan ni Senshi si Ereyos at makahulugang ngumiti

“Mukhang may nangyayaring hindi ko alam ah” singit ni Bo, hehe mukhang halata na rin ni Bo

Mukhang walang balak tantanan ni Senshi si Ereyos kaya akmang susugurin siya ni Ereyos pero hindi ito makalapit-lapit dahil kay Hime siya nagtatago

“Ayiee!! Natotorpe ang mahiyaing si Ereyos hihihi” Senshi

“Hay… Tama na nga yan” pigil ko sa kanila dahil wala pa atang katapusan ang kanilang’ LQ’ nga ba yun? Yung away ng mag irog? Naririnig ko rin kasi minsan ang salitang iyon kay Senshi “Ang mabuti pa eh habang nagpapahinga tayo eh bakit hindi na lang tayo maligo? Maligo tayo sa ilog!” Sayang din kasi, ang linaw ng tubig at parang ang sarap maligo

“Iyan din ang naisip ko Runo kaya dito ko na kayo hinintay” Sang ayon ni Bo sa akin

End of Runo’s POV

---

Hime’s POV

“Iyan din ang naisip ko Runo kaya dito ko na kayo hinintay” Bo

Balak nilang maligo? Seryoso sila? Nagtinginan pa silang apat bago nagtanggal ng pang itaas na damit. Una-unahan silang lumusong sa tubig. P-pero ako,ano ang gagawin ko? Gagayahin ko rin ba sila? Ano naman ang masama kung maghuhubad ako? Pero parang may mali eh. Sige na nga, tatanggalin ko rin ang damit ko tulad sa kanila. Nang akmang tatanggalin ko na nga ay bigla ko na lang narinig si Senshi na nagsisisigaw

Journey (Seeking the Cursed One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon