Journey 4 - Ang Babala

31 0 0
                                    

Ereyos' POV

Kung hindi lang kami agad nakaakyat ng puno ay siguradong isa sa amin ang maaabutan ng ligaw na hayop na yon. Nang masiguro na naming wala na nga ay saka pa kami bumaba lahat. Magtatakip silim na yata. Hindi sigurado dahil malalago ang mga dahon ng puno at ang tataas kaya hindi gaanong nakakapasok ang sinag ng araw sa gubat na 'to. Ngayon ay apat kaming nakaupo kasama na yung lalaki at nakapalibot sa baga ng apoy na nasa gitna

"Para hayop lang ay naduwag na kayo? Tsk tsk. Tinagurian pa naman kayong mga Shun" -Shun Senshi. Kung makapagsalita naman ay parang hindi rin Shun

"Nagsalita! Heh, kung paligsahan lang siguro ito sa takbuhan eh tiyak na ang iyong pagwawagi!" -Shun Runo. Kulang na lang ay batukan ang madaldal naming kasama

"Eh pahamak kasing ligaw na hayop na yun. Pati ba naman tayo ay di pinalagpas habulin? Kung hindi lang dahil sa lalaking yan eh!" at tinapunan ng masamang tingin ang kasama naming lalaki

Ngayon ay nakatutok ang tingin naming tatlo sa lalaki

"Hi! Hehe ako nga pala si Bo!" at ngumiti naman ito sa amin

"Ang bahong pangalan, ang panget pa---"*PAKKK!!* -Shun Senshi, pinukpok lang siya ni Shun Runo

"Ikaw ha, sumusobra ka na! Huwag kang mayabang porket mahaba lang yang buhok mo! Kakalbuhin kita" -Shun Runo

"Ayos lang kahit pangit, magandang lalaki naman ang nagdadala" nakangiti pa ring wika ng lalaki

"Wag kang mangarap! Hay naku.... Iba na talaga pag malakas ang dating, palaging kinaiinggitan lalo na ng iba dyan" -Shun Senshi. At inamoy amoy pa ang mahabang buhok nito

"Ang lalaking mahaba ang buhok tulad sa iba dyan, di tunay na lalaki yan" pambabara ni Shun Runo. Minsan talaga, imbes na mairita ay lihim na lang akong natatawa sa usapan ng dalawang yan

"Sang ayon ako dyan Shun Runo, mas maayos pang tingnan ang ganitong gupit ng buhok sa atin. Mas lalaki ang dating" dagdag ko

"A-ano? L-lalaki din naman akong tingnan ah!" -Shun Senshi

"Lalaki ka pala Binibini? Akala ko boses lalaki lang" dagdag naman ni Bo

"B-BINIBINI?? Napagkamalan mo akong... BABAE?? Ampotek mo ah! Ang lakas ng loob mong mapagkamalan akong babae ha! Ha?!"

"Lagi naman eh" dagdag asar ko

"Tsk tsk. Lalantad na yan haha" -Shun Runo

"Teka nga? Pinagtutulungan nyo ba ako? At ikaw mabahong Bo, masyado kang feeling close sa amin! Kilala mo ba kung sino ang mga nasa harap mo??!"

"Oo, hindi ba't mga Shun kayo?"

"Eh alam mo pala tapos ang lakas ng loob mong mapagkamalan akong babae?"

"Nagbibiro lang naman ako kaibigang Senshi. Ikaw naman, hindi ka na mabiro"

"Hoy, anong kaibigan ka dyan? Hindi kita ka-level ha!"

"Ah maaari bang malaman, bakit nandito kayo sa lugar na tulad nito?" -Bo

"Aba at kung makipag usap ka eh parang buddy-buddy lang tayo dito ah! Ang---" *PAKKK!!!* -Shun Senshi. Ayan pinukpok nanaman ni Shun Runo

"Itikom mo yang bibig mong loro ka ha!" -Shun Runo

"Hmp asar! Opo!" at tumalikod nga sa amin

"Halos magkakaedad lang tayo dito pero yang isang yan, parang bata" -Shun Runo

"Inyong ipagpaumanhin ngunit kahit na alam kong kayo ay mga Shun ay hindi ko alam ang mga pangalan ninyo. Mas maganda rin sigurong pormal tayong magkakilala bago pag usapan ang ilang bagay"

Journey (Seeking the Cursed One)Where stories live. Discover now