26: Partners by Destiny

27.7K 449 158
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

- -

CHAPTER 26: PARTNERS BY DESTINY


Malaki ang ngiti ko habang naglalakad ako sa hallway ng school. Napag-usapan na namin nila Logan at Vinny ang plano. Hopefully, maging successful ang plano namin. Dumiretso silang dalawa sa Ocean dahil may kokontakin daw sila at sakto namang may klase na ako kaya bumalik na ako sa school.

Mula sa malayo ay nakita ko si Cloud. Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Lalapitan ko na sana siya nang mapansin ko kung sino ang kasama niya. Nakapulupot ang kamay ng babae sa braso niya at kapwa sila nakangiti. Para namang may kumirot sa dibdib ko.

Napabuntong hininga naman ako. Imbis na dumiretso sa klase ay naisipan kong pumunta nalang sa Ocean. Hindi ko na kinontact sina Logan dahil alam kong nandun sila. Nang makarating ako doon ay hindi na ako nag-atubiling kumatok at pinihit na kaagad ang doorknob.

"--bakit sa lahat, siya pa talaga!" 

Napamaang naman ako sa eksenang nadatnan ko. Si Landell ay hawak si Logan sa kwelyo. Galit na galit ang itsura nito samantalang ang huli naman ay kalmado lang ang itsura. Nasa tabi naman nila si Vinny na mukhang pinipigilan silang dalawa, samantalang si Topher, at Elijah ay nasa tabi lang at nanonood.

"A-anong nangyayari?" Lahat ng atensyon nila ay napunta saakin nang bigla akong mag-salita. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Landell bago marahas na bitawan si Logan. 

Hindi umimik si Landell at bigla nalang lumabas, sinundan naman siya ni Topher. 

Dali-dali kong nilapitan si Logan at hinawakan siya sa braso. "What happened?"

Nagulat naman ako nang iwaksi niya ang kamay ko. "I'm fine."

 I frowned, "tinatanong ko kung anong nangyari, hindi kung okay ka ba!" Sabi ko bago umismid.

"I told you Logan dapat sinabi mo rin sakanila. Malay mo makatulong pa sila." Inis na sabi ni Vinny bago umirap.

"And I told you, it's my problem to deal with." Malamig na sambit ni Logan.

Tumikhim naman ako. "It's our problem." Sabi ko habang matalim ang tingin sakanya.

Sabay-sabay naman kaming napalingon nang makarinig kami ng isang tikhim. Nakita namin si Elijah na nakahalukipkip habang seryosong nakatingin saamin. Nakalimutan kong nandito pa pala siya.

"Mind telling me the problem?" Tanong ni Elijah bago tinaas ang isang kilay.

Nagtinginan naman kami nila Vinny at Logan.

"I think we should tell him.." bulong ni Vinny, sapat lang na kaming dalawa lamang ni Logan ang makarinig.

"No." Matigas na tugon ni Logan.

"Why not?" I asked. Nagsisimula na akong mapikon kay Logan. Gusto niya kasing sinasarili ang problema namin, eh marami namang puwedeng makatulong saamin.

Logan didn't answer. Napabuntong hininga naman si Vinny.

"Tell me, Logan, blinackmail ka ba ng parents mo into not telling your friends kung anong ganap?" Nagtitimping tanong ni Vinny.

Again, Logan didn't answer.

Vinny nodded, "okay I get it. Mukhang alam ko na ang sagot dyan. Your parents probably told you they they would do crazy shit para maiwasang makakuha ka ng tulong mula sa iba. But Logan, it's just Eli, he won't tell anyone."

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon