25: Undermining the Arrangement

33.3K 536 138
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

Chapter theme: when i was your man

- -

CHAPTER 25: UNDERMINING THE ARRANGEMENT


"Cloud!" Sigaw ko habang hinahabol siya nang pinipilit ang sarili kong hindi madapa. Muntik na akong matapilok kaya walang pagdadalawang isip kong tinanggal ang stilettos ko at tinakbo ang pagitan namin ni Cloud. Nang maabutan ko siya ay hinila ko siya paharap saakin. 

Muntik na akong mapaatras nang makita ko ang madilim niyang aura. Umiigting ang panga niya at punong-puno ng galit ang mga mata niyang nakatingin saakin.

"Anong ginagawa mo dito?" He spat, his voice menacing. 

I held his clenched hands. "Cloud.. it's not what it looks like."

Winaksi niya ang kamay ko at nilapit ang mukha niya saakin. He smirked. "Really? It's not what it looks like? Ibig sabihin hindi tama yung narinig namin na engaged kayo nung gagong 'yun?"

Hindi ako nakaimik. Lumayo siya at sumeryoso ang mukha. "Tinanong kita nun kung may namamagitan ba sainyo, ang sagot mo wala. Eh ano 'to? Ginagago mo ba ako, Bea?" Hindi ko na napigilan ang pag-tulo ng luha ko. "Huwag mo akong iniiyak-iyakan dyan, Bea! Ako ang niloko mo. AKO!"

Mas lalo lang bumuhos ang luha ko. Hindi ako makapag-salita kaya napailing nalang ako habang pilit na hinahawakan ang kamay niya.

Napahikbi ako. "C-cloud.."

"Kaya ba hindi mo ako sinagot nung tinanong kita kung pwede na tayo? Dahil ba may iba ka na talagang gusto? O ganti mo 'to saakin dahil sa pang-aasar ko sa'yo? Hanggang ngayon ba nag-aalinlangan ka parin kung totoo ang nararamdaman ko para sa'yo? Isang taon na kitang nililigawan Bea, hindi ka parin ba naniniwala saakin?" Sabi niya nang hindi nakatingin saakin, malayo ang kanyang tingin sa tabi. "Handa naman akong hintayin ka Bea, pero mukhang ikaw na ang nag-desisyon. Hindi naman kita mapipilit kung ayaw mo, pero sana sinabi mo lang saakin nang mas maaga, hindi yung sa ganitong paraan ko pa malalaman."

Napalingon siya saakin at napansin ko ang panunubig ng mga mata niya. Napailing siya at inalis ang pagkahawak ko sakanya. Tumalikod siya at nagsimulang humakbang palayo. Dali-dali ko siyang niyakap sa likod upang pigilan ang pag-alis niya.

"S-stop." Parang hirap na hirap niyang sabi. Muli niyang inalis ang pagkayakap ko at nagmamadaling naglakad palayo. Napaupo nalang ako sa sahig at napahagulgol.

"Shhhh.." Nakaramdam ako ng isang mahigpit na yakap. "Ilabas mo lang 'yan Bea, everything's going to be okay.."

Mas lalo akong napahagulgol nang marinig ang boses ng best friend ko.


Nanatili nalang ako sa kwarto kung saan ako inayusan kanina hanggang sa matapos ang selebrasyon. Wala ako sa mood para magpanggap na ayos lang ang lahat. Hindi ko alam kung anong nangyari sa party at wala rin akong pakialam.

Matamlay akong lumabas ng kwarto at napansing kaunti nalang ang mga bisita at paalis na ang mga ito. Pumunta ako sa alcohol booth at kumuha ng isang bote ng alak. Dumiretso ako sa isang lamesa at binuksan ang alak bago buhusan ang isang baso. Ininom ko ito ng isang lagok. Ramdam na ramdam ko ang pait nitong lasa ngunit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin.

Nilagyan ko ulit ng alak ang baso at nilagok ito. Sakto namang pagbaba ko ng baso ay may umupo sa harap ko. Niluwagan niya ang tie niya bago kunin ang alak at buhusan ang sariling baso. Pagkatapos niyang inumin iyon ay may napansin ako sa itsura niya.

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon