15: Keep the Change

61K 623 67
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

- -

CHAPTER 15: KEEP THE CHANGE


Makalipas ang iilan pang mga scenes ay natapos narin ang play namin. Narinig kong nagsasalita si Miss sa stage habang kami naman ay nandito sa backstage.

"Now, let us call our actors and actresses!" Rinig kong sabi ni miss. Isa-isa niya naman kaming tinawag. "Adrian Navarro as Seth!" Lumabas si Adrian at nagtilian naman ang babae sa crowd--siguradong iisa na doon si Yian. Sunod na tinawag si Juliet na gumanap sa role ni Julia. Matapos 'yon ay tinawag ang dalawang kaibigan ng character ni Seth at ang kaibigan ng character ni Julia. "Beatrice Alvarez as Vanessa!" Lumabas na ako at nagsimula namang magcheer ang crowd. Nakita ko pa sina Yian na halos magwala na sa kakacheer. Lihim naman akong napatawa at tumabi nalang kay Adrian.

I couldn't contain my smile.

This is such an achievement for me. I've always wanted to be a theatre actress.

Matapos tawagin lahat ng gumanap sa play ay nagbow na kami. Bumalik kami sa backstage at nagyakapan. Nag speech pa nga si Miss at nagpasalamat saaming lahat.

Lumabas na ako sa backstage at nakita ang mga kaibigan ko na nag aabang saakin. Umalis narin ang audience at iilan nalang ang natitira dito.

"Bea! Ang galing galing mong bruha ka!!" Sabi ni Yian at niyakap ako ng mahigpit.

"Group hug!" Sabi ni Clay at dinumog na nila akong lahat.

"Aray! Aray naman hoy!" Narinig kong sabi ni Crime ngunit hindi ko makita kung bakit siya dumadaing dahil sa dami nang nakayakap saakin.

"Aray naman pre! Dahan-dahan lang sa pagpingot!" Sunod na rinig ko kay Phael. Naramdaman ko ang pagluwag ng pagkayakap saakin.

Nakita kong kumalas si Clay at tinaas ang dalawang kamay. "Ako na magkukusang hihiwalay, hindi mo na kailangan hilahin ang tenga ko."

Nakita ko naman si Cloud na parang nakuntento. Lumingon siya kay Yian na nakayakap parin saakin. Pinandilatan niya ito ng mata ngunit bumelat lang si Yian.

"Bahala ka dyan Ulap, kami ni Bea ang magyayakapan." Sabi ni Yian at mas lalong sumiksik saakin.

Masama ang tingin ni Ulap kay Yian pero nang magkatinan na kami ay naging malambot ang eskpresyon sa mukha niya. Nginitian ko naman siya.

"Panget mo." Sabi ni Cloud bago umiwas ng tingin.

Napabusangot naman ako.


Nandito kami ni Yian sa mga kainan sa fair. Kumakain lang kami nang maramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko naman ito at binuksan.


Landell:

Hi Bea, ang galing mo kanina :)


Kumunot naman ang noo ko sa pagtataka. Nagtype ako ng reply.


Me:

What do you mean kanina?

Landell:

Sa play. Nanood kami kanina. 

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon