Special Chapter #2 - Cloud Vander Concepcion

33.4K 485 140
                                    

SPECIAL CHAPTER (PART 2) - CLOUD'S POV


Pasimple kong ginala ang paningin ko. Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo. 

Wala parin si Bea.

Karaniwang maaga pumapasok si Bea pero time na at wala parin siya. Magkakasama na rin ang mga mag-partner para sa project dahil sinabi ni Miss na pag-uusapan daw ulit ang project ngayong araw.

Hindi kaya kasama niya yung Davis?

Tss.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinimulang magkalikot dito. Balak ko sanang i-text si Bea at itanong kung nasaan na siya ngunit hindi ko ginawa. Baka kasi kasama niya pala yung fiancee niya kaya hindi siya pumasok.

I clenched my jaw. 

Fuck. Iniisip ko pa lang, napipikon na ako.

I felt a presence beside me. Nagulat ako nang mapagtanto kong si Bea yun. Bigla naman akong nakaramdam ng tuwa nang malaman na hindi niya pala kasama si Logan Davis. Hindi ko pinahalata ang nararamdaman ko at pasimpleng umimik.

"Oh, andito ka na." 

From my periphery, I saw her frown. "Ano ang pag-uusapan tungkol sa project?"

Mag-sasalita na sana ako ngunit napansin kong para siyang nasusuka. Tinakpan niya ang bibig niya. Hindi ko maiwasang magulat at mag-alala.

"Okay ka lang?"

Hindi siya sumagot, bagkus ay pumikit siya.

"Nako, ikaw babae ka, sabi ko sa'yo dapat hindi ka na pumasok eh. Tigas talaga ng ulo mo." Napalingon ako kay Yian na biglang nag-salita sa likod namin.

Bea removed her hand from her mouth and glared at Yian. "Kaya ko nga eh."

Napalingon ako kay Yian na ngayon ay nag-aalala na. "Kaya mo nga but that's not good for the baby."

What?

B-baby?

I felt my face pale. My eyes widened in shock.

"B-bu-buntis ka?" Gulat na gulat kong tanong. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Para akong sinapak ng paulit-ulit.

Sunod-sunod namang umiling si Bea. "H-hindi! Huwag kang maniwala kay Yian. Gumagawa lang 'yon ng kwento!"

I swallowed the clog in my throat. "Sigurado ka?"

She nodded, rather intensely. "Nasobrahan lang ako sa pag-inom. Dala lang 'to ng hangover."

Para namang natanggalan ng tinik ang dibdib ko. I heaved a sigh of relief.

"Fuck kala ko naman binuntis ka na ng gagong 'yon. Putangina papadala ako ng hitman para patayin yun." Wala sa sariling nabulong ko.

"So.. yung sa project?" Biglang sabi niya.

Teka, sinabi niyang hangover?

Kumunot naman ang noo ko. "Naka-ilan kang bote?"

"Huh?"

"Ilan ang ininom mo?"

Saglit siyang natigilan. "H-hindi ko alam. Siguro mga sampu.."

"Sino-sino kayo?"

Her forehead creased. "Sina Zoey."

"Elaborate."

"Uhmm.. Ako, Zoey, Aria, Vinny, at si L-logan.."

Natigilan naman ako nang marinig ang pangalan ni Davis. Parang gusto ko tuloy manapak. Tsk.

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon