12: Annual University Fair

81.5K 969 153
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

- -

CHAPTER 12: ANNUAL UNIVERSITY FAIR


Landell:

Huh?


Landell:

Hey, I'm sorry if that came off as a bit rude. I was just shocked.

Btw, why the sudden question?

Nvm. Zoey just told me now.


Napabuntong hininga ako matapos basahin ang mga mensahe ni Landell. Hindi ko napansin na nagtext pala siya kanina. Well, mabuti na 'to at least nasabi na ni Zoey na dare lang ang lahat.

Nabalik naman ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang katabi ko na nagtanong kay Sir. Nagka quiz kasi kami at dahil tamad ang prof namin ay pina exchange papers niya nalang kami.

"Sir, pwede po ba 'tong sagot ni Bea, kulang po ng letter s sa associationism?"

Napalingon naman ako sakanya at pasimpleng sinamaan siya ng tingin.

Pwede namang i-check agad yan! Nakalimutan lang eh. Ano ka perpekto lahat ng spelling natatama mo? 

I gave out a triumph smile after hearing the prof approve of my answer. Ha! Buti nga sa'yo. Tatanong-tanong ka pa eh. Isang letra lang eh.

Matapos ang klase ay dumiretso ako sa dorm at humilata sa kama.

What a day.


Makalipas ang dalawang buwan ay sumalubong na ang Annual University Fair namin. Limang araw din ito tatagal, simula Monday hanggang Friday. Maraming kainan, palaruan, performances at mga competition na gaganapin sa fair na 'to. May booth din ang theatre club at nagbebenta sila ng tickets para sa performance na gagawin namin sa pangatlong araw ng fair. Walang kasiguraduhan na makakapag perform ako dahil isa lamang akong understudy pero ang iniisip ko nalang ang pagtatagumpay ng palabas na dalawang buwan rin namin pinaghandaan.

Naramdaman ko namang may umakbay saakin.

"Hey girly." Napangiti ako. Sa nickname palang, kilalang kilala ko na 'to.

Sa loob ng dalawang buwan ay mas naging close kami ni Zoey. Paminsan minsan ay naglalaro din kami ng soccer tuwing free kami parehas, kaya mas natuto naman ako maglaro, which, by the way, is fun. Si Aria naman ay nakakausap ko rin at hindi na ako takot sakanya tulad ng dati. Tanggap ko na cold talaga ang personality niya at total opposite ni Zoey. Nakilala ko narin si Vinny ngunit hindi kami masyadong close dahil bihira ko lang siyang nakakasama. Tuwing free kasi ako ay may klase siya kaya sina Zoey at Aria lang ang nakakasama ko.

Napakilala ko narin si Yian kay Zoey at Aria, at magaan naman ang loob nila sa isa't isa. Nagkasundo nga agad si Yian at Zoey. Palibhasa, parehas may sapak sa utak.

Nakilala narin ng dalawa ang mga lalaki kong mga kaibigan. Si Zoey ang hilig asarin si Crime dahil sa height niya at tuwang tuwa naman siya na makasali sa vlogs ni Clay. Napansin kong mas nakakausap naman ni Aria si Crime dahil sa lahat ng mga kaibigan ko ay si Crime ang pinaka matino. Si Phael naman? Nako. Disaster kapag magkasama sila ni Zoey. Parehas silang saksakan ng kalokohan, parehas pa malutong magmura.

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon