Prologue:

19K 292 10
                                    

"OMG! Ang gwapo niya talaga, 'no?"

                "Super! Balita ko nga hindi talaga siya nag-aaral dito."

                "Parang visitor lang yata siya. 'Di ba may kasama pa siyang isa pang gwapo? Sana makilala natin sila."

                Nakakainis talaga iyong pakiramdam nang pinagbubulungan ka nga, rinig na rinig mo naman. Bakit ba ang hilig magbulungan ng mga babae kapag nakakakita sila ng mga gwapong lalaki?

                "Dumating na iyong isa pang gwapo. OMG! Lapitan kaya natin sila?" kinikilig pang sabi no'ng isang babae.

                "Kanina mo pa ba ako hinihintay?" tanong ni Lewis habang papalapit siya sa akin. Napansin kong nakaporma na naman siya. Hindi na ako magtataka kung bakit nababaliw sa kanya ang mga babaeng nakakakita sa kanya.

                "Hindi naman. Kaya lang ang sakit na sa tenga ng mga babaeng 'to, eh," inis kong sagot sa kanya.

                "Gan'yan talaga. Gwapo tayo, eh. By the way, dumating na ba siya?" Dahil sa sinabi niya, napatingin ako sa paligid. Baka kasi nandito lang sa tabi-tabi iyong hinihintay namin.

                "Hindi pa, pero alam ko na kung saan natin siya p'wedeng makita. Tara na?" Tumango na lang si Lewis. Kinindatan niya muna iyong mga babae bago kami naglakad. Dakilang maharot din 'tong si Lewis, eh.

                "Teka, magtatanong lang ako kung saan iyong building na hinahanap natin," sabi ko kay Lewis at saka ako lumapit sa isang babaeng tahimik na naglalakad. "Miss, p'wedeng magtanong?" Napansin kong nanlaki iyong mga mata niya nang makita niya ako.

                Napatitig muna siya sa mukha ko bago siya sumagot. "A-ano po 'yun?" Namula pa iyong mukha niya nang kausapin niya ako. Kailan ba ako masasanay sa ganitong bagay?

                "Saan iyong Music and Arts Department?" tanong ko.

                "D-do'n po. Sa kanan, may makikita kang all-glass building," nahihiyang sagot niya.

                "Thank you." Nginitian ko siya at saka ko binalikan si Lewis. "All-glass building daw. Tara na," aya ko sa kanya, na ngayon ay nakatitig na sa akin. "Oh, bakit? May dumi ba ako sa mukha?"

                "Ang gwapo-gwapo mo talaga, Le—" Tinakpan ko na ang bibig ni Lewis bago pa may makarinig sa sasabihin niya.

                "Elle, Lewis. Elle ang pangalan ko." Naglakad na kami papunta sa building na hinahanap namin. Maging successful sana 'tong plano namin ni Lewis. Gustong-gusto ko na talaga siyang makita. Gusto kong malaman kung okay lang ba siya at kung ano ang pinagkakaabalahan niya simula no'ng umalis siya at iniwan niya ako.

                "Elle, sabihin mo sa akin kapag hindi mo na kaya, ha?" nag-aalalang tanong sa akin ni Lewis.

                "Ano ka ba? Ngayon pa ba ako aatras? Sinimulan natin, kaya kailangan nating tapusin. Parang 'di ka naman lalaki niyan. Alam mo namang gagawin ko lahat para makita siya, eh."

                "Naku. Tingnan mo nga naman, mas lalaki ka nang magsalita kaysa sa akin. Ikaw ang bahala. Ikaw lang naman 'tong inaala—" Hindi na niya natuloy ang sinasabi niya bigla ko na lang siyang hinatak.

                "Iyon siya," bulong ko para hindi masyadong obvious na may hinahanap kaming tao. Baka mapaalis pa kami dito kapag nalaman nilang may ini-stalk kami.

                Napatitig na lang ako sa taong matagal kong hinanap at matagal ko na ring hindi nakikita. Humaba na ng konti iyong buhok niya. Sinusuot niya pa rin iyong mga paborito niyang damit. Ang gwapo at ang hot pa rin niya. Hindi pa rin siya nagbabago, puro lalaki pa rin ang kasama ng best friend ko.

                "Sabi ko sayo bading si Shawn, eh.

My Best Friend is Actually  Gay?!Where stories live. Discover now