Chapter 46

1.4K 21 1
                                    

Chie’s Note: Feeling ko may CTS na ako (Carpal Tunnel Syndrome) E, feeling ko lang naman. LOL. Okay, ere na Chater 46! Yay! :D Me is happy! Thank you sa mga CUTE kong readers na up to this point e talagang nakasubabay kay LP. :3 Okiesh, enjoy reading! Muah Muah Tsup Tsup! :*

P.S: Pitchi sa kanan :D hihi. 

Chapter 46

~ Pitchi’s POV

                “Honey baby, okay na ba kayo ni Pearl? Tara na sa simbahan” sabi ni Patrick na buhat buhat si Pierre at pumasok sa kwarto.

                Kinabit ko na lang yung ribbon sa ulo ni Pearl, “Oo, tapos na. Yan ganda ni Pearl oh?” sabi ko habang buhat siya.

                Ngumiti si Patrick at nag-bend para i-kiss sa cheek si Pearl, “Syempre, mana sa mommy, ‘di ba Pearl?”

                Ngumiti lang ako sa asawa ko at bumaba na kami para pumunta ng simbahan. Naka-all white ang kambal namin at sinuot ko sa kanila yung kwintas na pasalubong sa kanila ni Tita Ariane.

                “Nga pala, susunod na lang ba sila Tita Eloisa o sasabay sa atin?” tanong ko ng narating namin yung sala at agad kaming sinalubong ni Manang Ikang na nakabihis ng maganda. Kasi araw-araw na lang siya naka-working clothes e, ngayon ko na lang siya ulit nakitang nakabihis.

                “Sunod na lang daw. Abala pa kapag dinaanan natin sila” sagot ni Patrick.

                “Manang, tara na po” aya ko sa kanya at sabay-sabay kaming naglakad palabas ng bahay para sumakay sa Mercedes Benz ni Patrick. *smile* Natutuwa naman ako sa asawa ko. Unang sasakyan niya ‘tong Mercedes Benz na ‘to at ilang years na rin niyang gamit, hindi pa rin pinapalitan. E kaya naman niyang bumili na kahit ilang gugustuhin niya. xD Haha!

                Kandong ngayon ni Manang Ikang si Pierre. Alangan namang naka-kandong sa daddy niya e mahihirapan siyang mag-drive! xD Baka mabangga pa kami. No, No, No. At si Pearl naman ay kandong kandong ko at ayaw bitawan yung Patrick the starfish na stuff toy na binili sa kanya ng daddy niya. Meron din si Pierre e si Spongebob naman, pero iniwan lang sa crib niya. Haha!

*ring… ring… ring…*

belle pita calling…

Pitchi: Friend?

Belle: Papunta na ba kayong simbahan?

Pitchi: Oo. Tara na kayo ni Harry.

Belle: Sige friend, papunta na rin kami e. Kita kits na lang.

Pitchi: Sige sige.

*click*

                Tumingin sa akin si Patrick at nginitian lang niya ako bago niya ibaling ulit yung tingin niya sa pagmamaneho. Hay… Ang nakakilig na ngiti ng asawa ko na wala pa ring kakupas-kupas. Hihi. :3

                Narating na namin yung simbahan at naunahan pa pala kami nila daddy at mommy. Ako ang nakakaramdam ng awkwardness kahit papano between mommy and Tita Ariane e. xD Alam niyo yun? Pero… I think, maayos naman sila sa isa’t isa e. Si daddy? Ayun as always cool ang dating!

                “Pierre! Pearl!” salubong ni Travis sa amin na tatakbo takbo.

                “Ay, careful Travis, baka madapa ka naman!” sabi ko at nakangiti siyang narating kami nila Patrick at agad niyang tiningnan si Pierre na nasa stroller na tulak tulak ni Patrick.

Love PrecautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon