Chapter 45

1.5K 22 4
                                    

Chie’s Note: Hellloooo! 2nd update for today! :3 Hihi. Chapter 45 na tayo! :D Konti na lang! ;) O siya sige, enjoy reading mga CUTE kong readers! Muah Muah Tsup Tsup! :* Thank youuuu!!! :D

P.S: Kinakantahan ni Patrick si Pitchi! Sa may kanan! :D HAHA

Chapter 45

~ Pitchi’s POV

                Nandito ako ngayon sa garden namin, kandong ko si Pierre at si Pearl naman kandong ni Patrick na nakatabi sa akin. Ang bilis nga ng araw e, 7 months na ang kambal namin. Hihi. At binyag na nila bukas. Busy na nga sila Mommy at Manang Ikang sa preparations. Tapos kami naman ni Patrick full time parents na ang peg. Natutuwa naman ako kasi hindi na masyadong marami ang trabaho niya nung mga nakaraang buwan. Siguro naiintindihan ni Mananger Ebs na daddy na si Patrick at most of the time, I need him by my side. :3 Hihi.

                “Honey baby, may check-up ang kambal ngayon ‘di ba?” tanong ni Patrick habang nilalaro ang kamay ni Pearl.

                “Ah, oo meron nga pala” sabi ko at tumayo na ako, “Tara, paliguan na natin sila” binaling ko yung tingin ko kay Pierre na buhat ko, “Pierre, ligo na kayo ni Pearl ha?” at isang bungis-ngis ang nakuha ko mula sa kanya. Aww… Ang cute talaga ni Pierre.

                Ay nako! Parehas namang pala-ngiti ang kambal. Pero, may pagka-madiwara si Pierre noh! Hindi siya matutulog hangga’t hindi ko pinaghehele! Si Pearl naman, ihiga mo lang sa crib niya at pasakan ng dede e matutulog na. xD

                Ngumiti si Patrick at tumayo na rin habang parehas naming buhat-buhat ang kambal namin papasok ng bahay para paliguan sila. Hihi. Favorite part ko yun e. Nakakatuwang paliguan yung kambal. At kapag walang trabaho si Patrick, ang bonding namin ay ang magkasamang paliguan at alagaan sila.

                Nilagyan ko na ng maligamgam na tubig yung baby tub nung kambal at syempre bago sila magtampisaw e nilagyan ko sila ng baby oil, e para iwas daw sa lamig. Hihi.

                “Ay! Patrick, hawakan mo si Pierre, baka masubsob yan sige ka, mawawala na pagka-gwapong mana sa’yo! :p” sabi ko habang dahan-dahan kong sinasabunan si Pearl.

                “Todo hawak na nga ako dine e! Haha! Tumataba yata si Pierre?” sabi ni Patrick habang tiyan na ni Pierre yung sinasabon niya.

                “Hayaan mo na, papayat din yan habang palaki! Parang ‘di ka bochog nung bata ka ah? Haha!” sabi ko sa kanya at binabanlawan ko na si Pearl.

                “Nagsalita ang hindi! Hano Pierre?” sabi ni Patrick at binabanlawan na rin niya si Pierre. Nginitian ko na lang ang asawa ko at hinalikan niya ko sa pisngi. >////< Hihi.

                Binalot ko na sa twalya si Pearl at ganon din si Pierre na hawak ni Patrick. Inoff ko muna yung electric fan para hindi hanginin yung kambal na naka-hubo tabo! xD haha. Pero naka-on naman yung aircon. Hihi.

                “Honey baby, ano gusto mong suot ni Pearl?” tanong ko habang hawak ko ang dalawang bistida, isang pink at rainbow color. Yung kambal e nakahiga sa kama namin na nakabalot pa rin sa twalya.

                Lumapit si Patrick at kinuha yung rainbow na bistida, “Eto. Para masaya ang kulay!” sabi niya at sabay upo sa kama para bihisan si Pearl. *smile* Haha! Medyo awkward pero ang sarap tingnan ng asawa ko na binibihisan si Pearl. Hihi.

                May nilabas ng damit ni Pierre si Patrick kaya ako na nagbihis kay Pierre. Yan, ready na sila. Kami naman ni Patrick ang nagbihis. Nabasa kasi kami sa pagpapaligo sa kambal. Malikot sila e, parang mga bibe kapag napunta sa baby tub nila! Kabi-kabila ang wisik ng tubig! xD

Love PrecautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon