Chapter 32

1.6K 21 4
                                    

Author’s Note: Hello! :D Chapter 32 na pala tayo… Nako e, alam na! xD LOL. So, sa tagal ng inabot ng ating kwento, ngayon lang ako sinipag na ilagay kung kaninong Point of View (POV) ang ume-ere. LOL. xD Arigatou gozaimasu, Oneechan! :D O sige, enjoy reading my beloved readers! Kayo na, kayo na talaga nagpapataba ng puso ko! :3 Hihi. Maraming salamat! :D

P.S: Si Belle sa kanan ^^ Hihi.

Chapter 32

~ Pitchi’s POV

                “Manang Ikang, kanina pa po ba umalis si Patrick?” tanong ko pagkababa ko at dumeretso agad ako sa kusina. Nagugutom na ako e! >3< Late na kong nagising, mag-11 na. TT_________TT

                Kawawa naman asawa ko, late na ngang umuuwi maaga pa rin gising para sa trabaho niya. >3<

                “Ay e oo hija. Nagbilin nga sa akin na sabihin ko raw sa’yo na may fashion event siya ngayon. Gagabihin na raw siya ng uwi” sabi ni Manang Ikang habang pinaghahanda niya ako ng breakfast.

                “Ah… ganon po pala” sabi ko at umupo na sa may hapagkainan.

                “Pitchi hija, hindi ba kayo nalulungkot ni Patrick?” tanong ni Manang ng ilapag niya yung pagkain sa harapan ko.

                “Ha? Bakit naman po kami malulungkot? E maayos naman po relasyon namin ‘di ba?” sagot ko kay Manang Ikang na may halong pagtataka.

                Umupo si Manang Ikang sa harapan ko. Aayain ko sana siyang kumain, pero maaga nga pala siyang kumakain. Early riser din si Manang Ikang e. Ako lang talaga ang late riser sa bahay na ‘to. TT__________TT

                “Ang ibig kong sabihin hija, may kulang pa sa pamilya niyo ni Patrick… Mag-aapat na taon na kayong kasal e wala man lang akong nababalitaan sa’yo na naduduwal ka! Wala pa ba talagang nangyayari sa inyo ha hija?!”

                “Manang, wala po talaga” sagot ko at namumula ako sa mga pinagsasasabi ni Manang Ikang. Sabagay kasi may tatlo na siyang anak noh! Tsaka may mga apo na yata siya! >3< Kaya wala lang sa kanya ang ganitong mga pag-uusap. >///<

                “Hay… Kailan kaya ang araw na yun ha hija? Gusto ko naman na kasing mag-alaga ng bata. Malaki na kasi si Patrick, hindi na siya alagain” sabi ni Manang Ikang ng nakangiti.

                At bakas sa ngiti niya na talagang masaya siya na napalaki niya ng maayos ang alaga niyang si Patrick. :3

                Ngumiti na lang ako sa sinabi niya.

                E malay ko ba kung kailan magaganap ang gusto niyang mangyari na yun?!!! Dyuskembang! Ewan ko ba kung bakit nga ba wala pang nangyayari sa amin ni Patrick sa loob ng tatlong taon. >3< Busy siya kasi! Ah, oo! Yun nga yun!

                Natapos na akong kumain ng breakfast at naglakad-lakad muna ako sa garden namin para bumaba yung kinain ko.

                Umakyat na ako sa kwarto at naligo.

                Tiningnan ko yung phone ko. May text si Patrick. Hihi.

From; patrick <3

                Honey baby, kain ka na paggising mo ha? Late na ko makakauwi mamaya. I’ll call you later. I love you the most, Pitchi Athena. :)

                Waaaah… >/////< Kinikilig na naman ako sa text ng aking asawa. Ganito lagi routine niya kapag late akong nagigising, magtetext siya sa akin at mababasa ko na lang pag-gising ko. Hindi na siya nage-effort na gisingin ako. Pa-sweet ng pa-sweet si Patrick e! >///<

Love PrecautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon