Chapter 1

4.3K 77 20
                                    

Author's Note: Pitchi on the right ^^

Chapter 1

                “Pitchi! Halika na! Ang kupad mo talaga!” tawag sa akin ni mommy. May pupuntahan daw kami e, hindi ko lang alam kung saan. May nalalaman pa silang surprise-surprise ni daddy. Aish~

                “Andyan na!” sabi ko pagkalabas ko ng kwarto. Wow… Ang ganda ng get-up nila ah? Formal kung formal! Siguro makikipagkita kami sa presidente ng Pilipinas!

                Tinitigan ako ni mommy mula ulo hanggang paa. Tss. Bakit ba kasi “Fashion Freak” ang mommy ko?! Halos lahat ng damit ko, siya ang nagdedecide! Pati kung ano ang dapat kong isuot. T_T huhuhu. I have no freedom! >3<

                Nag-smile si mommy. That means, satisfy siya sa suot ko na siya mismo ang pumili! Above the knee na fitting dress, plain sapphire blue yung kulay na may accent ng black na tela na criss-cross sa may katawan ang dress ko at black na velvet heels suot ko sa paa, take note: five inches! xD

                “Tara na! Baka kanina pa nag-iintay sila Pareng Eric!” sabi ni daddy at binusina na yung sasakyan. Agad na kaming sumakay at baka magdiwara pa si daddy na hari ng kadiwaraan. xD

                If you are wondering, ako nga pala si Pitchi Talplacido. I turned 19 last October. I graduated sa isang State University majoring in Veterinary Medicine. Only child ako nila Gilbert at Lani Talplacido. So pag only child spoiled brat na agad tingin? Hindi ba pwedeng yung parents ang over protective? xD

                Summer vacation na at kakauwi ko lang ng bahay kahapon. At ngayon, eto ako sa sasakyan ni daddy at papunta raw kami para makipagkita sa Pareng Eric nila. Family friend kasi namin family nila Tito Eric, since sa generation ng lolo ko sa father side hanggang sa generation nila daddy. E sa generation ko? Nah. Wala, hindi kami close. :p Pero, magkakilala naman kami ng mga anak ni Tito Eric. Hindi nga lang kami close tulad ng closeness nila ni daddy at ng mga lolo namin.

                Hm. Sa pagkakaalam ko, dalawa anak ni Tito Eric. Panganay si Ate Elisha, 26, may asawa at anak na siya. At yung bunso si Kuya Patrick, 21 at graduate na rin ng college.

                “Anak, lika na. Andito na tayo” huminto na pala yung sasakyan ng hindi ko namamalayan! xD

                So, nirentahan nila daddy at Tito Eric ang exclusive restaurant na ‘to, dahil may pag-uusapan lang kami?! Heck! Ayaw naman nilang magtapon ng pera hano? xD Alam ko namang mayaman na kung mayaman sila, pero we should spend money wisely! *nods*

                Pumasok na kami sa loob. Ang bumungad sa akin ay mga kamag-anak namin nila Tito Eric, all in formal attire! Gawd. Ano meron?! :O Napansin ko rin yung white decorations sa paligid at roses sa gilid ng red carpet na may petals sa lalakaran. Isa lang pumasok sa utak ko sa setting na ganito. Ha! May engagement party! :D Yay! Sino kaya ie-engage?! Excited na kong malaman. :3

                Bago pa ko makaupo, tinawag ako ni daddy. Nasa may isang kwarto sila sa gilid at kaharap niya si mommy, Tito Eric at asawa niyang si Tita Eloisa, Lolo Giovanni(lolo ni Pitchi), Lolo Ernesto(lolo ni Patrick) at si Kuya Patrick. Hm… Ano kaya meron doon? :O

                “Anak, umupo ka sa tabi ni Patrick” sabi ni mommy. Oh de, sumunod naman ako. Good girl e. xD Magkatabi kami across sa mga lolo namin at behind them parents namin.

                Binati ko naman ng ngiti si Kuya Patrick ng hindi naman niya sabihing ang super snob ko. Nag-smile rin naman siya sa akin e.

                “Lo, ano po ba nag pag-uusapan natin?” tanong ni Kuya Patrick kay Lolo Ernesto.

                He cleared his throat, “Alam niyo naman ni Pitchi na hindi kami nagka-anak ni Giovanni ng babae, lahat e puro lalaki. Kaya hindi natuloy ang kasunduan namin” explain ni Lolo Ernesto, pero hindi ko gets ang point niya e.

                “Ano naman po ang connect?” tanong ko ng nakatingin kay Lolo Giovanni. At narinig kong sabi ni Kuya Patrick ng mahina, “Tsk. Ang slow naman…” Ha! Ako slow?! Aish~ Inirapan ko na lang siya at tumingin lang siya ng nakakaasar na tingin.

                “Ang gusto sana namin ni Ernesto ay sa inyo ni Patrick matuloy ang kasunduan namin” explain ni Lolo.

                Nanlaki mata ko sa sinabi ni Lolo! Tama ba ako ng dinig? Nako! Mali ang pagkakadinig ko! Promise! Hindi kasi ako nakapaglinis ng tainga kanina e.

                “Lolo Giovanni, seryoso po ba kayo? Si Pitchi?!” tanong ni Kuya Patrick na tatawa-tawa pa. Mokong na ‘to. Ang sarap sapakin!!! T_T

                “Patrick! Sa tingin mo ba ay magloloko kami ng ganito? Aba, syempre! Seryosong usapan ito, hijo” sabi ni Lolo Ernesto. Bleeh. Buti nga sa kanya, nasigawan ng lolo! >:D

                “Lolo, kaka-19 pa lang po ni Pitchi, baka—“ sinubakan pa ng ungas na ‘tong dumepensa pero nagsalita si Tito Eric.

                “Patrick, alam namin yun ng parents ni Pitchi at napag-usapan na ang lahat at pumayag na kami” Huwaw! Talagang sila lang ang mga may alam ha? Aish~

                Tumingin ako ako kay daddy at mommy, “Huh?! Talaga? At wala akong kaalam-alam na pinaplano niyo na pala ang buhay ko?”

                “Akala mo ikaw lang lang walang alam, ako rin walang alam. Biglaan ‘to ha?...” dinig kong sabi ni Kuya Patrick ng mahina.

                “Pitchi anak, pagbigyan na natin ang kahilingan ng mga lolo niyo. Ang tagal nilang hinintay na matupad ang kasunduan nila” sabi ni mommy na sinang-ayunan ni Tita Eloisa at idinagdag niya, “Oo nga mga anak. Ngayon mapag-iisa na ang mga pamilya natin”

                Shocks! Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon. T_T Please tell me this is just a random dream. Please wake me up! >3<

                Napansin ko expression ni Kuya Patrick. One thing’s for sure: it’s an unpleasant expression.

                “Ayusin niyo na ang mga sarili niyo. Engagement party niyong dalawa ngayon. Dapat masaya!” sabi ni daddy. “Sumunod kayo kapag ready na kayo” dagdag ni Tito Eric at lumabas na silang lahat sa kwarto.

                Heck! Excited pa naman ako kanina na malaman kung sino ang may engagement party, tapos ako pala tsaka yung mokong na ungas na yun! >3< Hay nako… Buhay talaga ay sadyang mapanglinlang! T_T

                At naiwan kami ni Kuya Patrick na frozen sa kinauupuan namin,

                “Hayy… Mga oldies talaga. Porket they have the power over us, kailangan laging sila na ang masusunod?” sabi ko habang nakapangalumbaba ako sa mesa.

                Nag-smirk si Kuya Patrick, “Gawin nila gusto nila. Papel lang naman yang kasal-kasal na yan, walang meaning yan sa akin” sabi niya at lumabas na siya.

                Nabigla ako sa sagot niya. Kahit naman ayaw namin sa isa’t-isa dapat ay ginagalang pa rin ang kasagraduhan ng kasal! >3< Wala pa raw meaning sa kanya e noh?! Grabe!!! Isa kaya sa mga Sacred Sacraments ang kasal, tapos ganon-ganon na lang ang tingin niya dun?! Aish~ T_T

                Hindi ko kayang pakasalan ang isang mokong na ungas na katulad ni Kuya Patrick! Ni hindi ko nga kilala pagkatao niya e, even if sabay kaming lumaki we are merely acquaintances! Lalong lalo na walang meaning sa kanya ang kasal! Tss. Isang immoral na paglalapastangan!! O hige, gwapo na nga siya kung gwapo at matangkad! Hmp! Mga babae talaga sa mga ganong features nagkakagusto! Eww naman pag-uugali ng isang ‘to. T_T Siya na heartthrob, siya na hinahabol ng babae at WALA akong pakialam sa kanya! Hay nako!

Love PrecautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon