Chapter 26

12.6K 343 5
                                    

Nakaupo lang ako sa isang mahabang upuan. Nasa harapan ko ang coffin ni mama. Hindi ko tanggap na wala na si mama ngayon.

Flashback

Two days ago..

Maaga akong pumunta ng ospital para dalawin si mama pero noong pagkapasok ko ng kwarto ay wala na si mama sa hospital bed. Agad ko siyang hinanap. Nakita ko si Greg kasama si papa nasa ICU.

"Ano nangyari?"

"Boss, dinala dito sa ICU si tita dahil naging critical ang kalagayan ni tita kanina." Sabi ni Greg.

Tumingin ako sa loob ng ICU kung nasaan si mama na wala pa ring malay.

"Ma, gumising na po kayo." Piping dasal ko.

Magbabayad talaga ang may gawa nito kay mama.

End of Flashback

"Boss." Tiningnan ko yung nagsalita. Si Dex lang pala. "Kailangan ka namin makausap."

"Okay. Mauna na kayo sa warehouse." Utos ko sa kanila. Wala talaga akong ganang umalis sa burol pero kilala ko si Dex seryoso siya na may gusto talagang sabihin sa akin.

Pumunta na ako agad sa warehouse at lumapit sa counter para umorder ng maiinom. Nandito na rin ang tatlo.

"Ano ang gusto mong pagusapan?" Tanong ko kay Dex.

"Zach, nahanap na kasi namin ang may gawa nito kay tita." Si Hunter na ang sumagot ng tanong ko para kay Dex.

"Who the hell?!" Pasigaw ko. Humanda ka kung sino ka man.

"Red Lions." Hindi na ako nagulat dahil ginawa na nilang inambush ang bahay ko dati.

"May lead kayo kung saan makikita ang Red Lions?"

"Yes pero noong pumunta kaming tatlo doon sa warehouse nila ay walang tao." Sagot ni Greg.

"Fuck that coward Red Lions."

"Hinahanap ko pa rin sila kung saan sila pwedeng pumunta, Zach." Sabi ni Dex. Tumatango tango ako.

"Wag kayo titigil hangga't hindi niyo makita ang Red Lions."

"Yes, boss."

Hindi titigil ang Red Lions hanggang hindi nila ako mapatay. Bakit nila ako harapin. Mga duwag!

"Hubby, may problema ba?" Tanong ni Alexis sa akin. Ayaw ko naman bigyan ng problema si Alexis. Buntis siya at makakasama yun sa baby namin.

"I'm just tired. Ilang araw na lang si mama bago ilibing."

"I know. Kakalungkot nga dahil ang bait pa naman ni mom."

Si mama pa ang nagparealized sa akin kung gaano ko kamahal si Alexis. Pero hindi ko lang tanggap wala na siya.

Nailibing na si mama pero busy sa paghahanap ng lead sila Dex sa Red Lions. Hanggang nakatanggap ako ng tawag galing sa Greg.

"Zach, I saw the leader of Red Lions."

"Where?"

"Here in Las Vegas."

"Dammit. I'm on my way!" Sumakay ako agad sa kotse at pinaandar ko na rin. Nagmamadali akong pumunta sa Las Vegas.

Ilang oras rin ang biyahe papunta doon. Ang sabi ni Greg magkita na lang kami sa sikat na casino rito. Isa lang naman ang sikat na casino rito sa Las Vegas.

"Nasaan siya, Greg?"

"There, Zach." Sabay turo sa isang lalaki nakaupo sa tapat ng blackjack.

"Hindi ba familiar sayo ang mukha niya?" Tanong ko kay Greg. Familiar kasi sa akin pero hindi ko maalala kung saan ko nakita. Hindi ko pa kasi nakikita ang leader ng Red Lions.

My Kidnapper Is A Mafia BossDonde viven las historias. Descúbrelo ahora