Chapter 19

14.6K 355 5
                                    

"Aww, ang cute talaga ng apo ko." Sabi ng mama ni Zach.

Naisipan kong dalawin si Zach kasama si Lucas pero hindi ko inaasahan nandito rin ang mga magulang niya.

"Of course, ma. Kanino pa bang magmamana si Lucas? Siyempre sa ama niya." Proud na sabi ni Zach. Nakaakbay siya sa pero siniko ko siya sa taligiran.

"Hindi ko maitatanggi iyan, Zach dahil kamukhang kamukha mo si Lucas."

"Masaya ako para sa inyong dalawa." Sabi ng papa niya.

"Kailan niyo ba balak magpakasal na dalawa?"

"Soon, ma. Hindi pa namin pinaguusapan ni Alex tungkol sa kasal. Pero nagpropose na ako sa kanya noong isang gabi."

------

"Nandito ka lang pala." Sabi ko. Kanina ko pa kasi hinahanap si Zach. Ganoon ba kalaki ang bahay nila? Kaya hirap mahanap siya.

"Is there something wrong?" Pinuwesto niya ako sa harapan niya sabay yakap mula sa likod. Pinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko.

"Wala naman. Pero may gusto akong sabihin sayo. Sana wag ka magalit."

"Bakit naman ako magagalit?"

"Basta."

"Okay. Ano ba yung sasabihin mo?"

"Yung unang expression sayo talagang wala kang puso kasi naman kahit sino pinapatay mo."

"Nakita mo ba ako may pinatay na tao?"

"Hindi pa. Pero noong sinabi mo sa akin dati na pinatay mo yung ex girlfriend mo."

"I see." Tumataas ang balahibo sa ginagawa niya. Hinahalikan kasi ako sa batok.

"Pero, Zach.. May balak ka bang gawing tagapagmana si Lucas sa mafia?"

"If ever, yes." Tumingin ako sa kanya. May balak nga siya hindi man lang sinabi sa akin.

"Wala ka ba talagang balak umalis?"

"I told you hindi ako aalis hangga't hindi ko pa nakikita ang pumatay sa kapatid ko. Kahit magaling si Dex sa paghanap ng impormasyon sa kalaban ay nahihirapan rin siya." Bumitaw na siya sa pagkayakap sa akin. Pumewesto siya sa tabi ko. "Magkakabata kaming apat. Sina Greg, Hunter, Dex at ako. Simulang bata pa lang kami ay magkaibigan na kaya gusto rin nila ipaghiganti ang pagpatay kay Terence. We have our mission ang hanapin ang mafia na pumatay sa kanya at gusto namin patayin ang leader nila."

"Paano kung isa sa inyo ang mapatay nila? Hindi mo masasabi kung malakas ba yung mafia na haharapin niyo."

"Nasa trabaho talaga namin ang mamatay. Hindi naman maiiwasan ang pangyayaring yun. Marami ng miyembro ng Golden Dragon ang namatay dahil sa mga misyon na binibigay ko sa kanila."

"Hindi ba nakakatakot?"

"Natatakot pero kailangan kong gawin yun, Alex. Iba ang kilala mong Zach sa mafia boss na si Zach Jackson. Everyone knows about me as a ruthless and heartless mafia boss. Totoo naman yun, eh. Ikaw pa nga nagsabi wala akong pinipili kung sino ang papatayin ko. Pero ito lang sasabihin ko sayo." Nagkatinginan kaming dalawa. "Pinapangako ko sayo na babalik akong buhay, okay?"

"Promise mo iyan ah."

"Yes, it's a promise. Ayaw ko naman makita kang nalulungkot. Kahit nga umiyak ka hindi ko kayang makita." Ngumiti akong pilit. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko lang.

"Dada... Mama.." Narinig kong boses ni Lucas kaya pareho kami tumingin ni Zach. Karga ng papa niya si Lucas.

"Mukhang hindi payag si Lucas na hindi siya kasama." Natatawang saad ni Zach. Kinuha na niya si Lucas. "What's up, little lad?"

My Kidnapper Is A Mafia BossWhere stories live. Discover now