Chapter 8

19.3K 477 6
                                    

Ilang araw na rin ako rito sa bahay ng mga magulang ni Zach. Ang bait ng mommy niya tapos kasundo ko ang papa niya. Parang sila papa lang. Hayst. Miss ko na tuloy ang pamilya ko.

"Tulungan ko na po kayo diyan, tita." Binuhat ko ang mga pinamili niya. Naglakad na ako papunta sa kusina para doon ibaba ang mga ito.

"Salamat, hija. Ang swerte talaga ng anak ko sayo. Ang akala nga namin ni Henry bakla si Zach dahil hindi pa nagkakaroon ng girlfriend." Hindi ko mapigilang tumawa. Naalala ko noong araw na tinawag kong bakla si Zach.

Kamusta na kaya si Zach ngayon? May balita na kaya sila? Ni minsan kasi hindi dumadalaw sila Greg dito. Gusto ko lang malaman kung may balita na sila.

"Miss mo na si Zach?" Tumingin ako sa mommy ni Zach habang tinutulungan ko rin siya magluto. "Kahit ilang beses ko ng sinabi sa kanya na umalis na siya sa pagiging mafia ay hindi nakikinig sa akin. Hindi daw siya aalis hanggat hindi niya mapatay ang pumatay sa kapatid niya."

"Ganoon po ba?"

"Two years na rin ang nangyari yun. Kahit hindi ganoon close sa isa't isa sina Zach at Terence ay mahal na mahal niya si Terence. Noong namatay si Terence ay nawala na ang kilala naming Zach na isang mabait at mapagmahal."

Siguro kung nakilala ko ng mas maaga si Zach, sa tingin ko magkakagusto ako sa kanya. Yung mismong hindi ruthless at heartless na tao. Isang killer.

May narinig akong nag-doorbell. Baka may inaasahan silang bisita ngayon.

"Ako na po ang magbubukas ng pinto." Iniwanan ko na ang ginagawa ko para buksan ang pinto. Laking gulat kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Si Zach.

"Hi, Alex." May benda ang kaliwang braso niya. Doon siguro tinamaan ng bala.

"L-Ligtas ka, Zach." Traydor talaga itong luha ko dahil tumutulo na naman.

"Of course. Mabuti nga galos lang ang nakuha ko."

"Ang importante buhay ka."

"Nandiyan ba sila mama?" Tanong nito kaya tumango ako.

"Nasa kusina ang mama mo."

"Oh. Okay, thanks." Naglakad na siya papunta sa kusina para puntahan ang kanyang mommy. "Mukhang abala kayo sa pagluluto ah."

"Zach." Lumapit ang mommy niya sa kanya. "Ano nangyari sa braso mo?"

"Galos lang ito, ma."

"Kahit na galos lang yan pero delikado pa rin ang ginagawa mo, Zach." Nilapag na ni tita ang mga niluto niyang pagkain. "Dito ka na rin kumain."

"Tamang tama nagugutom na ako." Ibang iba ang nakikita kong Zach ngayon. Dahil nakangiti ito ngayon. Hindi katulad dati palagi seryoso ang mukha at parang galit sa mundo.

"Oh. Nandito ka pala, Zach." Sabi ng papa niya.

"Bumisita lang ako, pa."

Nagsimula na kaming kumain na lahat. Hindi ako makapaniwala na ganito pala kabait si Zach. Mabait siya sa mga magulang niya.

"Zach, hindi mo naman sinabi sa akin na may girlfriend ka na pala." Sabi ng kanyang mommy. Muntik ko na nga mabuga yung iniinom kong tubig. Nakakaramdam ako ng guilt. Hindi ko talaga kayang magsinungaling pero hindi ko naman pwedeng sabihing wala naman kaming relasyon ni Zach.

"Ma. Pa. Actually, Alex is not my girlfriend." Saad ni Zach. Nagulat ako noong inamin niyang wala kaming relasyon.

"I knew it. Noong sinabi sa akin ni Alexis kung ano ang pakay mo sa kanya. Hindi na ako nagsalita dahil gusto ko mismo sayo manggaling, Zach."

"Thanks, pa. Pero sorry kung nagsinungaling kami sa inyo."

"I'm so disappointed, Zach. Ang akala ko pa naman may balak ka ng pumasok sa isang relasyon."

"Sorry, ma. Alam niyo naman ang sitwasyon ko. Hindi ako pwedeng pumasok sa isang relasyon dahil marami akong kalaban."

"That's why I told you to quit. Ayaw ko na mawalan ulit ng anak. Nawala na sa atin si Terence kaya ayaw ko na maulit ang nangyari."

Zach's POV

I don't want to lie anymore. Kaya nasabi ko na sa kanila ang totoo. Nakaramdam ako ng guilt. Mga magulang ko sila tapos magsisinungaling ako sa kanila. Anong klaseng anak ako? Hayst..

"Zach, why did you do this to us?" Alam kong disappointed sa akin si mama. Hindi ko na siya masisi. "Gusto ko si Alexis para sayo."

Ngumiti na lang ako.

"I know you like her too, son. Kilala kita."

"Yes, ma. I like her. Hindi ko kaya kung mapahamak siya ng dahil sa akin."

"Kaya nga sinabi ko sayo na umalis ka na sa pagiging mafia mo."

"No, ma. I can't. Kailangan kong patayin ang pumatay kay Terence. Hindi ako aalis sa pagiging mafia ko hanggang hindi sila nauubos. No matter what happen."

"Ayaw ko naman mawalan ng anak ulit."

"Don't worry. Hindi ako mawawala sa inyo. Kung mahanap ko ang may gawa nito kay Terence babalik po akong ligtas."

"Siguraduhin mo lang dahil hindi ako tatahimik kung hindi ka bumalik, Zach."

"No worries. I promise." Niyakap ko si mama. Anytime iiyak na siya.

"Alam mo naman gusto ko na magkaroon ng apo."

"Mom, you're embarrassing me. Baka marinig kayo ni Alex."

"Why? I like her for you, son. Even your father. He like Alexis for you. Mukhang mabait na bata si Alexis."

"Thanks. Plano ko po sana ligawan siya pero ayaw naman niya sa katulad ko."

"Sino ba ang may gusto ng ginagawa mo? Kahit ako ayaw ko sa pagiging mafia mo, Zach pero hindi ka naman nakikinig sa amin."

----

"Do you have any plan for today?" Tanong ko kay Alexis.

"Yep, I have."

"Then, what is it?"

"Gusto ko bumalik sa Los Angeles. May gusto kasi akong puntahan doon."

"At ano naman yun?"

"My favorite spot. Gusto mo sumama? Para nalaman mo kung saan."

"Sure, kung ayos lang sayo."

"Ayos lang sa akin. Boring naman kung ako lang ang pupunta doon magisa. Mabuti pa kung may kasama ako."

Ilang oras ang lumipas ay nakarating na rin kami sa Los Angeles. Kinausap ko si Greg na balikan na lang kami kung gusto na namin umuwi.

Nandito kami ngayon sa taas ng hollywood.

"Ito ba ang sinasabi mong favorite spot mo?"

"Yes. Ito nga. Ang ganda kasi ng tanawin rito."

I agree with that.

"At saka special sa akin ang lugar na ito."

"Why? Nagkaroon ka na ba ng boyfriend noon? O dito mo siya sinagot?"

"Wala. Baliw ka. Dito kasi ako pinasyal ni papa noong unang araw namin dito sa LA. " Nakita kong yumuko siya. Mukhang miss na niya ang kanyang pamilya. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin mahanap nila Dex ang pamilya ni Alexis.

"You really missed them?"

"Yes, but I got a call from my mother."

"Nasaan sila?"

"All these days nasa San Francisco lang sila pero ang sabi ni mama bukas daw babalik na ulit sila sa LA."

"So, this is the last night we've been together?"

"Pero hindi pa tapos ang limang buwan ko, Zach."

"I know. Pero tinatapos ko na. Bayad na ang lahat na utang ng papa mo. And you have to stay with them. Hindi ka ligtas pag sa akin ka."

~~~

Mabuti na lang buhay si Zach dahil hindi tanggap ni awtor ang sad ending.

My Kidnapper Is A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon