Chapter 14

16.3K 425 18
                                    

Alex's POV

Walong buwan na yung tyan ko at kitang kita na talaga ang umbok. Noong huling punta dito ni Zach yun na ang huling kita ko sa kanya. Nitong nakaraang araw kasi hindi na siya bumibisita sa akin. Nagaalala na tuloy ako sa kanya. Alam ko kasing isa siyang mafia boss at hindi rin ligtas ang trabaho niya. Mabuti pa sana kung isa siyang CEO lang ng kumpanya nila pero hindi.

Umuwi na rin ako sa bahay dahil umuwi na ang kapatid ni Yza. Kahit papaano ay hindi ako nagiisa na ngayon dito may kasama na ako sa bahay. Nandito si mama kahit busy sa trabaho si papa.

Nakahiga lang ako sa higaan habang hinimas ang umbok ng tyan ko.

"Hi, baby. Konting tiis na lang lalabas ka na." Masayang masaya ako lalo na't nalaman kong lalaki ang magiging anak namin ni Zach.

Biglang tumunog ang phone ko kaya inabot ko sa may side table.

"Hello?"

"Alam kong sinabihan nila ako na wag kong sasabihin sayo ang tungkol dito." Kumunot ang noo sa sinabi niya. Sino ba ito? Nakita ko ang pangalan ni Greg.

"Bakit Greg? May nangyari ba kay Zach?"

"Ano kasi... May nangyari kasi kay Zach six months ago. Comatose siya ngayon."

"Huh? Saang ospital siya? Pupunta ako diyan."

Sinabi na sa akin ni Greg kung saang ospital si Zach nakaconfined. Dahil nahihirapan akong maglakad ay sumakay na lang ako ng taxi kahit malapit lang dito ang ospital. Noong makarating ako ay agad kong tinawagan si Greg.

"Greg, anong room?"

"Room 1004."

Pagkapunta ko sa palapag ay agad ko hinanap yung room 1004 hanggang nakita ko na. Wala ng katok katok dahil pumasok na ako agad. Pero nakita ko sina Hunter, Greg at Dexter. Ang tahimik nilang tatlo.

"A-Anong nangyari kay Zach?" Ang unang lumingon sa akin ay si Hunter.

"Nabaril si Zach ng kalaban naming mafia. Hindi inaasahan ang pangyayari. Hindi namin alam may kalaban pa sa likod namin kaya si Zach ang nabaril."

Hindi ko mapigilan ang maiyak. Hindi ko kayang makitang ganito si Zach. Paano na yung anak namin?

"Maupo ka na muna, Alexis." Tumayo sa kinauupuan si Dexter kaya umupo ako kung saan siya nakaupo kanina.

"Ang laki nang tyan mo. Halatang buntis ka na nga." Sabi ni Hunter.

"Hmm.. Walong buwan na kasi."

"Sa susunod na buwan ka na pala manganganak."

"Oo. Sana nga magising na si Zach. Para makita niya ang anak niya."

"Siguro hindi ka pa kumakain ng dinner. Bili lang kaming tatlo." Sabi ni Greg. Tumango lang ako ng ulo.

Noong umalis na yung tatlo ay lumapit ako sa hospital bed kung saan nakahiga ang walang malay na si Zach.

"Zach, gumising ka na, please lang. Para sa amin ng anak mo." Hinawakan ko ang isa niyang kamay habang tumutulo ang luha ko. "Mahal na mahal kita, Zach. Hinding hindi kita iiwanan kahit anong mangyari."

Naramdaman kong gumalaw ang daliri niya sa kamay.

"Zach?"

Nakita kong dumilat na rin siya ng dahan-dahan.

"Gising ka na, Zach. Salamat naman. Hindi ko kayang mawala ka." Pinupunasan ko ang aking luha. Naluluha ako dahil sa kasiyahan. Gising na rin si Zach.

"Ano nangyari rito?" Narinig ko ang boses ni Dexter.

"Gising na si Zach." Sabi ko sa kanila habang hawak ko pa rin ang kamay niya.

My Kidnapper Is A Mafia BossWhere stories live. Discover now