Chapter 6

21.5K 549 7
                                    

Zach's POV

"Zach, I met a girl yesterday and she told me she is your girlfriend." Bumisita kasi si papa sa opisina ko sa bahay hindi sa kumpanya. Wala si Alexis ngayon dahil binisita niya ang kanyang kaibigan. Kasama rin niya si Greg.

Sinabi pala ni Alexis na girlfriend ko siya. Siguro nga tinanong ko siya para maging girlfriend ko tutal ang sabi niya gagawin niya ang lahat. Ito ang naisip ko bigla noong araw na yun. Ewan ko ba kung nagkakagusto na ako kay Alexis.

"Yes, pa. Alex is my girlfriend." Wala na. Tuloy na ang pagpapanggap. Ayaw ko pumasok sa isang relasyon dahil mapanganib lang ang buhay niya. Pero ang alam ni Alexis ay girlfriend ko siya.

"Gusto ko siya para sayo, Zach. Ang bait niyang bata noong nakausap ko siya kahapon. Kailan mo ba siya papakilala sa mama mo?"

"Huh? Err.. Kung hindi na ako busy sa trabaho, pa. Kakausapin ko na muna si Alex."

"Okay. I have to go."

"Ingat kayo sa paguwi."

Pagkatapos kong kausapin si papa ay sinandal ko na muna ang likuran ko sa may swivel chair. Nang biglang may kumatok pero bago pa ako makasagot ay binuksan na niya ang pinto.

"Yes?" Tanong ko. Pero hindi ako sinagot at lumapit pa sa akin.

"Mukhang pagod ka. Gusto mo masahe?"

"Sige." Nagsimula na siyang magmasahe sa likuran ko. Ang sarap naman at ang galing magmasahe ni Alexis. "Alex."

"Bakit?"

"Kung ayos lang sayo papakilala kita sa mga magulang ko. Biglang girlfriend ko." Naramdaman kong huminto siya sa pagmamasahe kaya tumingin ako sa kanya.

"Alam ko naman hindi totoo ang relasyon na ito, Zach. Ayaw ko naman magsinungaling dahil hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na magsinungaling sa ibang tao."

"Then, let's make it real. Liligawan kita."

"Huh? Hindi ko lang alam. Isa kang mafia boss kaya hindi ako sigurado."

"Ano naman koneksyon ng pagiging mafia boss ko sa relasyon natin?" Tumayo na ako para lumapit sa kanya pero umaatras lang siya sa akin. "Hanggang ngayon pa rin ba takot ka pa rin sa akin?"

"Sorry pero ayaw ko magkaroon ng boyfriend o asawa na mafia. Baka balang araw ay iiwan nila ang kanilang pamilya." Yumuko ito pero niyakap ko siya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Dapat masungit ako sa babaeng ito pero lalong tumatagal ay nawawala.

"Promise, I won't let that happen." Bumitaw na ako sa pagkayakap. Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi niya para tingnan ako pero umiwas siya ng tingin. "Alex, look at me."

Bago ko pang mahalikan si Alexis ay may kumatok sa pinto ng opisina ko.

"Argh!" I groaned. Naglakad na ko papunta sa pinto para buksan. "Ano? I'm busy right now, Hunter."

"Sorry, Zach. Kailangan mo pumunta ngayon sa warehouse. May nag-ambush ng warehouse natin kanina at maraming sugatan sa mga tauhanan. Ang iba naman ay namatay."

"What?!" Kumunot ang noo ko. Sino naman ang gagawa nito? Alam kong marami ako naging kalaban. Tumingin ako sa likuran para tingnan si Alexis na wala pa ring imik pero binaling ko na ulit ng tingin si Hunter. "Tatapusin ko lang ang ginagawa ko rito at dederetso na ako sa warehouse. Mauna ka na doon, Hunter."

"Okay, boss."

Noong wala na si Hunter sa harapan ko ay lumapit na ulit ako kay Alexis at niyakap ko ulit siya.

"Sana pagisipan mo ang sinasabi ko sayo kanina. Kailangan ko rin umalis dahil may aasikasuhin pa ako sa warehouse." Hinalikan ko siya sa kanyang noo. "Mauna ka na matulog. Wag mo na hintayin sa paguwi ko mamaya. Hindi ko rin alam kung makakauwi ako mamaya o baka bukas na."

My Kidnapper Is A Mafia BossWhere stories live. Discover now