FIVE.

44 7 14
                                    

Ang saya ng umaga ko. Ewan ko kung bakit. Kahit medyo nalate ako ng gising at medyo kinapos sa oras, ok parin.

Tapos saka ko pa narealize yung rason, eh wala pala yung geometry teacher namin, may inaasikaso daw. 

Asuuus! Sana naman pala di na ako nagmadali. Wala rin naman palang first period. 

Eto namang katabi ko, daldal ng daldal, kesyo muntik na daw siyang di maligo kasi sobrang late na siyang nagising. 

"Wahaha. Ang galing talaga ng instincts ko noh? Naligo pa rin ako kasi na feel ng organ systems ko na di papasok si Sir. Woooh!"

Pinaglihi ata ko sa Cobra o Samurai. Ang lakas ng energy eh.

"Buti nga noh. Kasi kung hindi, baka hinimatay na ako dito sa kinauupuan ko kasi ang bansot ng katabi ko."

"Oyyy! Di naman ah.Nag shampoo ako ngayon noh.Full force ako. Muntik ko na nga makalimutan yung lunch ko. haha!"

Minsan talaga mapagkakamalang bakla tong si Harvey. Eh paano talo sa kadaldalan.Bakla siguro talaga to!

Ingay na ingay yung room namin. Di parin yata maka-recover yung mga classmates ko sa gaan ng pakiramdam. Haha.

Tapos di nagtagal, naputol na yung saya kasi dumating na yung Filipino teacher at nagsimula na naman kaming mag review para sa darating na achievement test.

Nung lunch break na, bumalik na naman yung saya. Sobrang pressured na rin kasi yung section namin eh.

Marami rin kasing mga expectations. Kasi nga daw 3-A, dapat malalaki kung scores. Kaya seryoso talaga pag oras ng review.

"Oy loka! Lunch muna kami ah. May pabibili ka?"

"Ah..wag na. total nagdala naman ako ng tubig tsaka ok na rin naman tong....BAON KOOOOOOO!"

ASAN ANG BAON KOOOOOOO!

***********

"Naku Stella, ok lang yan noh. Siguro naman nakalimutan na ng mga students yung nangyari diba?"

"Oo nga noh. Ano ka ba naman loka, eh di naman ikaw yung dapat mahiya noh, si Basty. Kasi siya naman yung nag assume diba? Di ikaw."

May point nga naman sila. Eh bat ba kasi ako mahihiya kung napagkamalan lang naman nga diba. Pero kahit naaaaaa. Ang eskandalo eh eskandalo,

Saang anggulo mo man tingnan. Di naman talaga ako sanay na pinagtitinginan. Kaya sana talaga, wala nang makaalala dun sa kahihiyan na yun.

Lalo na si Basty. >.<

Naman oh. Nakakainis! Nabawasan na tuloy yung pera ko, nag-iipon pa naman ako ngayon. Haaaay naku!

Hindi naging mabuti yung kain ko. Masarap naman yung ulam pero..naging paranoid ata ako. Parang feeling ko pinagtitinginan ako ng mga studyante.

Ang kapal ko rin noh? Iniisip ko na may mag-eefort pang pansinin ako eh di naman ako kilala dito. Kaya ayun ng nga, nawalan ako ng gana.

Kaya naman di ko naubos ang pagkain ko at nagyaya na agad na umalis ng Caf. Medyo maswerte parin ako. Wala si Basty sa buong duration ng kain ko.

Naging paranoid lang talaga ata ako. Tsss. Assuming.

Nagmamadali na ako nun na lumabas ng Caf ng nag-iba naman ang ihip ng hangin. Eto na po ang pagkakataong sobrang iniwasan ko.

"Stella!" at napalingon ang tatlo kong kasama.

"Oy Stella!" this time, nasa harapan ko na siya. Ano pa bang magagawa ko?

"Oy...B-basty."

"Kumain ka na? Antagal na kitang di nakikita dito ah. Saan ka pala kumakain?"

"Sa classroom. Ah sige alis na kami." at kinaladkad ko na yung mga kasama ko. Nasa loob parin kami ng Caf nun. Palabasin niyo na ako. Please naman.

Eto na nga at palabas na kami. Sorry talaga pero wala akong planong makipag-usap

"STELLA ANG CUTE MO!" at nagtinginan sa akin ang lahat ng tao sa Caf C.

O.O

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! ANONG ESKANDALO BA TOOO.

Kailangan ba talagang sumigaw sa loob ng Cafeteria? Juskopo, bagong kahihiyan na naman ba to? LUPAA. KAININ MO NA AKO PLEASE. T_T

At dahil di na ako nakapagpigil, lumabas na talaga ako ng Cafeteria. 

"Stella, teka! Hintay naman oh!"

"ANo ba naman kasing kailangan mo?"

"G-gusto lang naman kitang..kausapin eh."

"KAILANGAN BANG SUMIGAW KA PA NG GANUN?"

"Eh kasi di mo naman ako pinapansin..wala na akong choice."

"Sa lahat ng ayaw ko..yung pinagtitinginan at napapahiya ako.KAYA KUNG PWEDE, PLEASE, WAG MO AKONG IDAMAY SA KA-GAGUUHAN MO."

Paalis na sana ako ng hinawakan niya yung braso ko.

"Sorry na oh. Hayaan mo, babawi ako. Sige."

"PSH. bawi? ewan ko."

At umalis na kami ng cafeteria.

Naging lutang naman yung isip ko buong hapon nun. Nag sorry siya. Nakita ko iba yung expression niya nun. Parang walang halong biro. Pero grabe. Nakakahiya talaga yung nangyari. Ahh erase erase!

 Nainis ako. Sobra. Though hindi naman talaga ako nagtatanim ng sama ng loob pero grabe, nakakahiya. Ok lang sana kung kamukha ko si Yoona o SeoHyun ng SNSD talagang magiging proud ako sa mukha ko. Pero hindi eh. Hindi talaga ka-proud proud! >.<

at dahil ayokong masira yung buong araw ko, hindi ko nalang masyadong inisip yung nangyari kanina. Lilipas din yon, diba. Lilipas din yon.

Nung gabing yon naman, di ako nakatulog ng maayos. Parang di ata lumabas sa kabilang tenga eh. kumapit ata ng maigi. 

Paano't di ba naman maalis sa sistema ko yung nangyari kanina. Akala ko ba ok na? HAAAAY.

BABAWI? SIYA? Ewan ko nalang.

OK BA? DRAGGING BA? KULANG? OA? SAY IT. OUT LOUD. HAHAH XD salamat! <3

Indistinctly in Love: When doubts reach the heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon