THREE.

54 11 11
                                    

BASA LANG PO NANG BASA. LET US ALL BE HAPPY. SUMMON POSITIVITY <3

Natapos naman ang unang linggo ng pasukan. Masaya naman, medyo exciting palang mag chemistry, kahit medyo mahirap. haha

May bakanteng slots pala sa school paper namin. Natuwa naman ako nun kasa bakante yung slot ko: Sports writer. 

Oo, sports writer ako. Eh paano nung elementary eh yun lang yung bakante kaya yun lang din yung sinalihan ko. Eh masaya naman pala. :D

Pero ito yung nakapagpabagabag sa isip ko: May achievement test daw next week.

NEXT WEEK? GAAAAA. ano ba naman to? Ang aga naman ata. Nakakainis. Kaya eto tuloy kami, sa halip na mag regular classes, eh nagrereview ng kung ano.

"Hoy Loka." eto na naman si Tricia galing sa Cafeteria nag lunch. Di na talaga ako pumupunta dun.Tsaka masaya rin namang mag luch sa classroom eh.

"Oy, ano? Ang tamlay natin ah?"

"Halika nga dito." tapos kinladkad niya ako palabas. Nag-uusap kami ni Harvey nun tungkol sa achievement test ee.

Tapos niyakap niya ako. ANONG DRAMA?

"Hoy Tricia. Ang OA mo. Ano ba kasi yun?"

"Eh kasi naman Stella noh..hinahanap ka ng my labs ko!"

"H-H-HAAA?"

"SINO?"

Binatukan niya naman ako nun. "Eh sino pa ba? HA? Alam mo, minsan nga lang ako magkaka-crush ng ganito, yung sayo pa nagkakagusto."

"Yuck. Ano?" ok di naman ako blind. Alam ko kung sino yung tinutukoy niya. Pero.. ewan. Ayokong maniwala.

"Ang chikaaa mo talaga Stella. Wag ka ngang mag yuck jan. Na-iinsulto na ako ha."

"Eh kasi naman noh. Pa-bigla-bigla ka kung magsalita. Pwede bang matinong version naman nun?"

"O sige na nga. Makining ka ha kasi minsan lang to." Minukhaan niya naman ako ng parang galit nun. Haha

"Eh kasi ganito yun. Diba nga kumakain kami nina Danna at Maxene dun sa Caf-A, tapos lumapit siya samin.." nag inhale-exhale naman siya nun.

"tapos ganito sabi niya oh. Memoryado ko pa talaga ha" nag clear naman siya ng throat niya nun.

"'UY miss!', napangiti naman ako nun kasi nga kinausap ako.Hahaha"

TAPOS?

"Tapos alam  mo anong sabi niya? Ganito oh:"

"Uhmm...Di mo na kasi kasama yung kaibigan mo eh..yung..yung dati nga. Nagtataka lang ako kung asan siya ngayon."

Hinawakan naman niya ako sa magkabilang balikat nun.

"Ang sakit sakit pakinggan nun. Huhu. Naloloka na ako. Bakit Stella? bakit sayo pa?" tapos sumandal siya sa wall nun at nag acting na parang hihimatayin na ewan.

"Ok tama na ha. Pwede na yung acting mo pero malayo pa ang Oscars."

"EH ang ewan mo kasi eh! Sabi ko sayo diba, sa caf na tayo mag lunch! hinahanap ka na ni Basty. Ang haba ng heeeer!" hinaplos-haplos naman niya yung buhok ko nun.

"Hoy ako Patricia tigilan mo kundi naku..ewan ko nalang."

"Alam mo Stella, ang OA mo talaga. Nahawaan ka ata ng kuya ko. pssh"

HAAAAAY EWAN KO. BASTA ANG OA NG BASTY NA YUN.

Uwian na kaya natuwa naman ako. Kaya lang naabutan ko si Ms. Fineza at inutusan pa akong pumunta sa school paper office.

Kukunin ko daw yung sched sa  mga games ng varsities this year. Eh kung estudyante ka pa naman, ano bang magagawa mo kundi sumunod sa utos.

Maaliwalas naman pala tong school nato pag konti nalang yung tao. Ang sarap ng hangin, perfect pang muni-muni.

Pero parang may nasagap ata akong masamang aura at biglang nagbago ang ihip ng hangin.

"Oi!" di naman ako lumingon nun.

"Oi miss!" walang reaction.

"Hey! You!" bahala ka diyan.

Hinawakan niya naman ako sa balikat nun at humarap sa akin. Tsss. Wala na ata akong kawala.Act like i dont care nalang.

"Oy. B-bakit." ganun talaga ah. Walang question mark.

"Ah..ano kasi..uhmm. Ano nga palang pangalan mo?" Pssh. Sabi ko na nga ba. Ang ewan talaga ng Basty na to.

"Naku, busy ako eh. Sige next time nalang ah." nagmadali naman ako patungo sa office nun. Bakit ba kasi kailangan pang kumuha ng schedule eh.

"Taas ng pangalan mo ah. Eh Saan ka pala patungo?"

"school paper office." as in ganun ka-cold. Di pa ako naka-recover dun sa kahihiyang na-experience ko ah. Dahil sa kanya.

"Ah. ako rin. Sabay na tayo." Psssh. School paper office? Siya? Pwede bang sa mariana's trench nalang.

Di naman ako umimik nun. Basta binilisan ko nalang yung lakad ko. Siya naman eh binilisan din yung lakad.

"Ano bang gagawin mo dun? Staffer ka ba? Anong field? English o Filipino?"

Ay, andaming tanong. Nakakatamad sumagot. "May kukunin na schedule."

"Ah schedule. Sports writer ka noh? Yung schedule ba ng mga games yung kukunin mo?" ano ba kasing pake mo noh.Bahala ka.

"Uy. Miss?"

"Nasa akin kasi eh."

Napatigil naman ako sa paglalakad nun. "Talaga?"

Napasandal naman siya sa wall nun habang nakangiti. "Haaay sa wakas. tumigil na rin. Nakakahingal ka palang kasabay noh? Grabeeh."

Eh taktye. Di ba naman sagutin yung tanong ko. Nag-iisa na nga lang yun ah.Tsaka di kami nagsabay aaah!

"Andyan sayo yung sched?"

"ah..oo. hehe. Eto oh. Nautusan lang din kasi ako eh. Buti pala naabutan kita noh? Ang galing!" inabot naman niya sa akin yung mga papel nun.

Wala naman akong balak sumagot ng matino nun. Kaya nag 'thank you' nalang ako at lumakad papuntang room.

Pero di ko agad napansin na nakasunod pala ang mokong sakin. 

Tumalikod naman ako nun at napatigil siya sa paglalakad.

"Excuse me lang ha, uhmmm..saan ka patungo?"

"Ah..eh..dun, sa classroom namin oh. Sige, bye!" agad naman siyang napaliko nun at umalis na.

Haaaay. Salamat talaga at yun lang yung sinabi ko. Kasi kung tinanong ko siya nun kung sinusundan niya ba ako, ang kapal naman ata diba.

Ako na sana yung lalabas na assuming nun. Haaaay! Salamat talaga.

Napabigla naman ako nung bigla siyang napasigaw.

"Oy miss! Ano nga palang pangalan mo?"

Ayoko ko sanang sumagot kaso...

"Stella!" ang hirap talaga pag may utang na loob ka. Tsssk.

OKS PO BAA? ;)

Indistinctly in Love: When doubts reach the heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon