TWO.

64 11 16
                                    

 I GENUINELY DEDICATE THIS CHAPTER TO MY FIRST FOLLOWER, JANINE CALBIT :)

K-sshi*

TWO.

Buong hapon ko talagang di kinausap si Tricia. Di parin talaga mawala yung utak ko sa eskandalong nangyari kanina.

_____________________________________________

"Uhmm, Excuse me. May gusto ka ba sa'kin?"

A-ako? May gusto sa kanya?! ANG KAPAL!

"Uhmm, excuse me din noh. WALA AKONG GUSTO SAYO. Etong kaibigan ko oh, yan yung may crush sayo.

Pinapatingnan niya nga sa'kin eh kung okay lang ba daw. Kaso.. parang hindi eh.

Sige ah, alis na 'ko."

At nag walk-out na ako nun. Nakakainis. Ako pang napagkamalan? Parang andaya naman ata nito ah! WAAAAAA.

Nakakainis na nakakahiya. Ang kapal ng mukha. Ka-crush-crush ba yung itsura nun?

matangos ang ilong, maputi, matangkad, malinis...AAAHHH! BASTA AYAW KO SA KANYA.

Natapos naman ang araw ko nun na may pagdarasal na di ko na makikita yung Basty na yun.

Pero parang di pa ata doon nagtatapos ang panggugulo niya sa buhay ko. :(

Tinawagan naman ako ni Tricia kagabi. Syempre bati na kami noh. Di naman ako kadugo ni The Grudge kaya okay na kami. haha.

Kinabukasan naman, wala paring masyadong makabuluhang nangyayari.

Unti-unti nang nagigng seryoso yung mga lessons namin. Kaya kailangan nang makinig ng maigi. Seryoso na ata eh.

Sa classroom na pala ako naglunch simula nung kahapon. Ayoko nang makita uli ng Basty na yun.

Naaalala ko yung kahihiyang inabot ko dahil dun. nakakahiyaaaa ang dami pa namang nakarinig. yuck. >.<

Mabuti naman may ilang classmates rin akong dito naglulunch sa classroom, at least di nakaka-bagot diba.

"Oy, pwede sumabay?"

Yung katabi ko pala. Nagsalita na rin.

"Sure. Dun  na tayo sa kanila sumabay kumain oh." tapos lumapit naman kami sa ibang classmates namin.

Nalaman ko naman nun na Harvey pala yung pangalan niya.

 Galing sa Section B last year. Tama nga pala hula ko.

Mabait naman siya. Tsaka madaling pakisamahan.

May pagkamadaldalin kasi eh kaya oks kasama.

Dumating naman si Tricia nun galing sa Cafeteria. Alam ko may sasabihin siya kasi parang pa-bukaka na yung bibig.

"Loka! May sasabihin nga pala ako." o diba tama ako. haha. tapos nakita niya ata kaming nag-uusap ni Harvey kaya medyo nagbago yung itsura niya.

"Oy Loka, si..Harvey nga pala. Classmate natin."

" Alam ko classmate natin noh. Alangan naman manliligaw mo.hahaha"

"Tumahimik ka nga. Ah Harvey, si Tricia nga pala."

"Patricia Jane Salcedo. Tricia nalang."

"Harvey Ric Alcantara nga pala. Nice meeting you."

"AYee. holding hands tayo! HAHAHAHA" at nagtawanan ang dalawa. Iba talaga tong si harvey haaa. XD

Tapos nun konting usap-usap. Hanggang sa dumating na yung teacher namin. Nagpatuloy ang mga discussions at yess! Uwian na! :DDDD

Papunta na kami sa sakayan nun nung may naalala ako.

"Hoy Loka! Ano ba yung sasabihin mo sana sakin kanina?"

"Ay oo nga pala! Muntik kong makalimutan.Haaay naku, sana kinalimutan ko  na yun." tapos tumigil siya sa paglalakad nun at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"Stella, Hinihingi ni Basty yung number mo."

ANO?

"A-ano na naman ba to Tricia ha?" nagpatuloy naman kami sa paglalakad nun.

"Lokaret. Hinihingi nga niya cellphone number mo noh. Lumapit siya kanina sakin sa cafeteria. Nainis nga ako, akala ko liligawan na ako eh."

Binatukan naman siya ng kuya niya nun. "Ang landi-landi mo." Kasabay pala namin to? 

"Tumahimik ka Vincent ha. Girl Talk to. atupagin mo yang pag-aaral mo kasi OA KA NGA DIBAAAA."

"Tss. Wag mong patulan yan Stella. Baka mahawa ka sa kalandian nyan."

Tapos nagbatukan na yung magkapatid. Natatawa talaga ako sa dalawang to. Parang walang araw na di nag-aaway. xD

"Basta Tricia wag mong ibigay yung number ko ha. Bahala talaga." baka ipabugbog pa ako nun, dehado na. Wag naman sanaaa.

Nung gabing yon, eh naisip ko naman yung sinabi ni Tricia.

Gustong hingin ni Basty yung number ko? Gaaa. Bakit naman?

Yuck. Ayokong mag assume no. Ang sagwa. Haha.

Bahala na basta di ko ibibigay sa kanya. Baka isipin niya na totoo yung mga hinala niya.

Di naman talaga. Urrrggg. >.<

Indistinctly in Love: When doubts reach the heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon