ONE.

108 11 19
                                    

UNO.

First day of School. Ewan ko ba, pero na-excite akong pumasok. Ang aga kong nagising. Ang aga nagbihis, kumain, ang aga lahat.

Bukod kasi sa may allowance na ulit ako, eh di na ako mauutusang magpaligo sa aso naming si Dog.

At dahil ready na ako't lahat-lahat, tinawagan ko na ang dakilang lokaret na si Tricia.

"O bakit?"

"Anong bakit? Asan ka na ba?"

 "Nasa bahay pa noh. Nagtu-toothbrush pa si Vince. Teka andami mo atang load?"

 "Extra lang to. O sige na, magmadali na kayo diyan at baka ma-late pa tayo."

 "Ang OA naman. Napaaga lang ng onti. Sige bye. maghintay ka na sa labas."

At pinutol ko na ang tawag. Kinuha ko naman yung nakabalot kong lunch at nag babay kay mommy na nagpapaligo kay Dog sa labas.

 Naghintay naman ako sa labas ng bahay nun. Tapos may tricycle na tumigil sa tapat ko.

"Loka! Sakay na."

 "Akala ko bukas pa kayo darating at--teka, nag make-up ka ba?"

 "Ano ka ba! d-di noh! Powder lang to tsaka konting ayos-ayos lang. Bakit? Maganda ba? ^____^"

 "In fairness.. nagmukha kang tao."

 "Ah ganun ah." tumahimik naman siya nun. tapos nagsalita ulit.

 "Eh kasi naman makikita ko na ulit yung crush ko noh! Kaya kailangang magpaganda. :P"

 "Ha? Sinong crush na naman ba yan?"

 "Ang OA mo. Eh sino pa bang pinagkakaguluhan ngayon noh, edi si Basty!"

 "Tss. Basty daw." narinig ko namang nagsalita si Vince sa may backride.

 Si Vince yung kuya ni Tricia. 4th yr High school. Kami, 3rd yr pa lang.

 "Tumahimik ka diyan Vincent ha, kundi itutulak kita dyan.

Tsaka, ba't naman nasa backride ka eh wala namang nakasakay sa likuran oh."

"Mas gusto ko dito noh. Wala kang paki."

 "Duh. Whatever. Ang drama mo na talaga ngayon. Una, yung sa Nadir, tapos ngayon yang ka-dramahan mo sa backride. Ang OA."

 Di naman sumagot si Vince nun. Nakakabaliw talaga tong magkapatid na'to.

 Umagang-umaga eh bangayan na agad. Yan ang buena mano.

 Marami-rami na rin yung tao sa school nun. Nahirapan pa nga kaming makapunta sa bago naming classroom kasi ang daming nakaharang sa daanan.

 Eh kung sa Public Science High School ka ba naman mag-aral na may more or less 1800 students, sino ba namang di mahihirapan diba?

 Sa 3-A nga pala kami ni Tricia. Oo, 1st section kami. Mahirap, pero kinakaya. Sayang yung nasimulan eh.

 Pagka-rating namin sa classroom, nakita naman namin yung dati naming classmates.

 Siyempre sigawan, kamustahan, etc. Antagal din kasi naming di nagkita kaya maraming mga bagong mapag-uusapan. XD

 May iba na na-transfer sa Section B. May ibang taga Section B naman na nakatransfer sa amin.

"Loka, san tayo uupo?"

 "Dito nalang oh, sa may gilid. Para di obvious pag nagchichika."

 Nakahanap naman kami ng cmaayos na upuan nun. Siya sa may gilid tapos ako sa likuran niya. 

Indistinctly in Love: When doubts reach the heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon