FOUR.

49 8 8
                                    

I have been receiving quite a few remarks about my story and it has seriously inspired me to continue with this one. Hope you would enjoy this chapter and Happy Wednesday! ;)

Much love,

K-sshi*

FOUR.

Tumakbo naman ako nun papuntang classroom namin para kunin yung  bag ko. Pinauna ko na kasi si Tricia kasi akala ko matatagalan ako sa office.

Buti nalang nagkasabay kami nung Basty na yun, kahit papaano, napakinabangan.

Medyo madilim na nun kaya kailangan ko na atang magmadali.Tsss. 

"Stella!"

"Oy, Harvey! Bat andito ka pa?"

"Galing ako kay Sir Bobby. Ako kasi yung assigned na mag-lock ng room eh."

"Ahh.. eh, bakit di ka pa umuuwi?"

"Andyan pa yung bag mo oh! Baka magka-molds yung lalagyan mo ng baon niyan. yuck."

Oo nga pala noh? Ang tanga ko naman. Haha.Buti hinintay ako ni Harvey. Haaaay.

"Che. Wag ka nga. haha. Pero salamat sa paghintay ha. Eh paano nautusan rin ako. Tss."

"Ok lang yun noh. Para namang may choice ako. haha. Sino nga pala yung..kasama mo kanina?"

"Ah..yun? Uhmm.. Siya kasi yung may hawak ng Sched na pinapakuha sa'kin."

"Oo nga pala. Sports writer. Oy, taga saan ka pala?"

"Taga south ako. Ikaw?"

"Ahh..Sa west ako."

"Talaga? Eh isang route lang yun diba? Sabay nalang tayo!"

"Sige! nakakabato rin mag-isang umuwi eh. haha"

Kaya sabay na kami nun umuwi ni Harvey. Kumain muna kami ng kwek-kwek sa harap ng school.

Antagal na daw kasi niyang di nakakakain nun eh. tsaka ako rin. Pero siyempre KKB. Pareho kaming ayaw manlibre eh. Haha.

Marami naman kaming napag-usapan ni Harvey nun. Na noon daw eh napagkamalan siyang bakla kasi laging yellow yung pinapasuot sa kanya.

Tapos lagi daw siyang napapagalitan sa klase kasi ayaw niyang makatabi yung classmaete niyang sipunin. Haha. Ang daldal talaga.

Nakauwi naman kami ng maayos. Nag jeep nalang kami kasi mahal pag trycicle. Naging ok naman yung araw ko. Maaliwalas kahit...di masyado.

Tss. Nabigla nalang ako ng may tumawag. Sasagutin ko na sana nung pinutol namanyung tawag. Ang ewan. Sinendad ko nalang ng question mark sign tapos nagreply agad.

Ang bilis naman.

-Stella?

Oo nga. Ako to. Eh sino ba to ha?

-Kilala ba kita?

-Gusto mo pakilala ako sayo?

-Ano pakay mo?

-Ang taray. Nakikipagkaibigan lang naman.

-Sino ba kasi to?

-Haha. Nakakatakot ka talaga.

Di ko na nga nireplyan. Ang daldal, di naman nagpakilala. Di na rin nagreply. Mabuti naman.Tapos may nag text na naman.

Si Vince? Ano namang pakay nito eh gabing-gabi na?

-Ei Kristel.

Replyan ko na nga lang.

-Oy. Bakit?

...

...

...

tagal naman magreply. Makatulog na nga lang.

at nagreply nah. tss. saka pa nagreply na matutulog na talaga ako.

-haha. loka! ako to. Lang load eh.XD kainis. Pahingi naman ng load dyan oh! Wag madamot..

Sira talaga tong si Tricia noh. Bahala siya eh wala na akong extra load. Haha.

-Lokaret. wala akong extra load. Manigas ka dyan :P

Haha. bahala siya. Eh wala naman talaga akong extra load kaya pasensyahan nalang. 

Tapos nun nagreply ulit.

-Goodnight.

AY? Nagalit agad? Haha. Ang OA.

-HAHHA. Ang OA mo talaga. Wag magtampo! Goodnight lokaaa! :)

-PV to. Umalis na si Pato.

Tss. Si Vince na pala may hawak. Haha. nakakahiya.

-Ay sorry Vince. Sige, goodnight!

Tapos natulog na ako. ZZZZZ.

************

HAAAAY. UMAGA NA. Gusto ko sanang ikwento yung nangyari habang natutulog ako.

Kaso wala namang makabuluhang nangyari, nagpagulong-gulong lang ako sa kama ko kaya wag na yun. 

Nasa labas na ako ng bahay. Naghihintay kina Tricia at Vince. Ang tagal naman ata nila ngayon ah? Tsss.

"Oy, Kristel."

"Oy vince..." tapos napansin ko wala pala si Tricia. "Si Loka, asan?"

"Ah..inutusan yung Pato eh. May pinadaan dun sa tita namin."

Weh? Ang weird talaga ng pamilya nila. Bakit si Tricia yung inuutusan eh andyan naman si Vince na panganay? Haha. Ang ewan.

"Ah..kaya pala. Oy, sorry nga pala kagabi ah. Nadistorbo ka pa namin ni Tricia."

"Sus, okay lang noh. Parang di naman sanay."

Napatawa naman ako nun. Oo nga noh, di naman first time yun na nagtext si Tricia sa akin gamit yung phone niya.

"Haha. Oo nga noh. Tangek ko talaga. XD"

Masasabi kong close rin naman kami ni Vince. Siguro nadala na rin kasi nga kuya siya ng bespren ko at family friends rin.

Magkakabata kaming tatlo at dahil nga wala akong kapatid, kaya madalas ako sa kanila para maglaro, and vice versa. 

Kaya hindi ako naiilang sa kanya. Pero di naman nun ibig sabihin na bestfriend na rin yung turing ko kay Vince. Iba parin syempre.Parang may konting gap.

Siguro rin kasi lalaki siya o..ewan ko ba. Bat ko ba to iniisip.

Pero may napansin ata akong kakaiba ngayong araw na to ah.

Bakit parang medyo masikip sa front seat ng tricycle eh wala naman si Tricia.

Bakit walang nakaupo sa backride?

At bakit magkatabi kami ni Vince ngayon sa front seat?

"Kristel? Di ka pa ba bababa diyan??"

At bakit sa sobrang pagkatunganga ko, eh di  ko namalayang andito na pala kami sa tapat ng skwelahan?

"Ayy..sorry. haha." nagbayad naman ako sa driver at naglakad na kami ni Vince patungo sa kanya-kanya naming classrooms.

Tinabihan niya ako? Weird.

Indistinctly in Love: When doubts reach the heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon