Letting You Go

366 3 2
                                    

Letting You Go

by cheeryyellow

Soundtrack: IF THE FEELING IS GONE by Kyla

*

Is it really that hard to let go of someone? Or it is just really hard because you still hope there's a chance?

*

"Lahat ng relasyon, masaya lang talaga sa simula!" paulit-ulit nalang na sinasabi sa akin 'yan ng best friend kong si Camille.

"Ang bitter mo talaga, Camille! Palibhasa, wala kang lovelife!" sagot ko sa kanya at dinilaan ko lang siya.

Umiling lang siya at bumuntong-hinga. Niroll lang niya ang eyes niya. "Ikaw ang bahala. Ge, oorder muna ako ng kakainin natin." sabi niya sabay tayo. Alam niya kasing hindi ako makikinig sa sasabihin niya.

Alam kong nagiging in denial na ako pero ayoko lang talagang isuko ang relasyon namin ni Jiro. Ako nga pala si Carla at si Jiro ang boyfriend ko. Dalawang buwan nalang at magti-three years na kami. 

Lahat na ata ng hinahanap ng isang babae, nasa kanya na. Mabait pero hindi yong boring kasama, matalino, mayaman, gwapo, at sobrang thoughtful. Wala na ata akong ibang mahihiling pa sa mundo simula nang makilala ko siya. Minsan nga lang kami magkaroon ng seryosong away dahil sobrang maingat siya na 'wag niya akong masaktan. Kaya siguro kami nagtagal ng ganito dahil alam na namin ang mga dapat at hindi dapat gawin para hindi masaktan ang isa't-isa. Sobrang sweet niya, sobrang thoughtful at palagi kaming masaya kapag magkasama kami. Lahat ng problema, nalulutasan namin kaagad. Ramdam na ramdam ko na mahal na mahal niya ako at ganon din ako sa kanya. 

Magkaibang universities ang pinasukan namin. Pareho na kaming graduating. Kahit hectic pareho ang schedules namin, pinipilit pa rin namin na palaging nagkikita. Mas lalong tumatag ang relasyon naming dalawa.

Hanggang sa may mga panahon na hindi na kami nagkikita dahil hindi makayanan ng schedule kaya nagte-text at tawagan nalang kami. Kahit isang araw lang ang lumipas na hindi ko siya nakakausap, nami-miss ko na siya. Madalas na rin kaming nagtatalo at nasasaktan ako dahil ni hindi man lang siya nage-effort na humingi ng sorry sa 'kin eh siya naman ang may kasalan. Hindi naman siya ganito dati. Kaya ako nalang ang humingi ng tawad sa kanya. Hindi ko rin siya matiis eh. Akala ko magiging okay na kami. Akala ko babalik na kami sa dating kami pero hindi pala. Nararamdaman kong unti-unti na siyang nagbabago. 

"Jiro, may problema ba tayo?" tanong ko sa kanya sa tawag.

[ Wala. Ano naman ang magiging problema natin? ]

"W-wala naman.." mas pinili kong hindi nalang sabihin sa kanya. Baka kung saan na naman mapunta ang usapan naming ito.

[ Ge. May practice pa kami eh. ]

"Ganon ba? Sige. Ingat ka! I love you!"

[ Ge. Ikaw din. Bye. ]

*toot toot* Binaba na niya ang tawag. Wala man lang 'I love you too?'

Nararamdamam kong ang lamig na niya sa akin. Isang linggo na rin kaming hindi nagkikita kaya nagdesisyon akong puntahan siya sa school nila. Saturday ngayon at ang alam ko, may practice sila sa basketball ngayon kaya pupuntahan ko nalang siya.

Habang papunta akong gym, nakasalubong ko yong matalik niyang kaibigan at parang gulat na gulat siya nang nakita niya ako.

"Carla? Anong ginagawa mo dito??"

Our Song (One-Shot Stories)Where stories live. Discover now