Author #3: Messages

1K 18 65
                                    

Messages for @1Dude_ArcieS

From Anonymous:

Di ko pa tapos ang lakserf yaan mo malapit ko na matapos, makakapagcomment na ko, ang ganda nung takbo ng story kala ko nga anime eh.

From @DoYouKnowCJ:

Pero sige... hi arcie honey! Hahahaha nga pala! Salamat at naawa ka kay arbhie at hindi siya naging antagonist porebs sa story mo hahaha, sorry kung lagi akong nahuhuli sa pagbabasa ng lakserf, medyo occupied kasi ako sa other stuufs out there haha..

From @dolly_eyes23:

@1Dude_ArcieS. Ang lalaking napag kamalan kong si searchee hahaha sorry naman. Anyway salamat kasi naiintindihan mo na sa kabila ng busy sched ko ay sinama mo ako sa Lakserf at hindi mo ako pinatay agad hahaha. Sorry kasi alam mo na yun wala pa akong comvo pero babawi ako kapag hindi na ako busy. Ganyan talaga kapag saksakan ng ganda laging busy sa sched hahaha charing joke lang yun. Hahaha. Salamat at keep it up. Anyway nababasa ko ang maraming miscalls at sira ang web cam hahaha hanggang ngayon iniisip ko pa rin ano kaya ung ibig sabihin. Godbless.

From @MissHeartBreaker18

To Kuya Chubs/hottie/Ean/Arcie/Dante:

Hahaha! dami kong pinangalan sa kanya..Siya ay Kuya ko na talagang itinuturing ko ng nakakatandang kapatid. Bago kasi ako naging fan at reader niya, naging kuya ko muna siya.Kaya naman super duper ang pag support ko diyan kahit na nga di naman matino yan! hahaha!

Si Kuya Arcie ay Ean na lang mas kumportable ako eeh,hihi.

si Kuya po ay isa sa mga writer na talagang inihilera ko na sa mga idol at favorite kong author na sina ate Ales,HYSTG,SGWannaB,witcheverwriter,etc. Na talagang mga sikat na at hinahangaan. Para kasi sa akin, he belongs to their place also,karapat dapat na din po siyang matawag na magaling na writer, ganun ko na po siya hinahangaan,not to mention na isang story niya pa lang ang nababasa ko what more kung lahat na?

Ang nagustuhan ko naman kasi sa creation niya is yung alam mo yung kahit gaano kaseryoso yung story ay maisisingit at maisisingit niya pa din yung mga jokes niya,yung kakulitan niya na talaga namang HAVEY! at mapapatawa ka,AT hindi lang basta mapapatawa,mapapatawa in a way na may sense. Yung mga Punchlines niya kasi is knowledgeable yung mga jokes na current issues naman talaga kaya nakakatuwa. Hindi lang siya writer na basta basta na lang na magsusulat kasi yun ang gusto niya,hindi..Isa siyang writer na may purpose, purpose to make his readers positive thinker at naeenjoy niya ang pagsusulat kasi alam kong gusto niya talaga eto. Hindi lang po siya author,isa din po siyang Clown,friend at brother. Madami na pong napasaya si kuya, madami ng nainspired at napatawa,madami ng humanga sa kanya at madami na ang naniniwala na magaling siya..At ikinagagalak kong sabihin na isa ako dun. I am proud to be his number 1 fan!

Go Kuya! I will support you hanggang sa maging sikat na writer ka na din at maging katulad nina HYSTG! Aabangan ko din ang pag sasapelikula ng isa sa story mo.:) That's my dream for you.

PS: Ang mga nabanggit po sa taas ay pawang mga katotohanan at walang halong biro.hahaha! Marunong din kasi akong magseryoso. :)

From @FaithHopeLove21:

ean and caelum : yow! haha to be honest I dont even know if i should right this in english or tagalog considering that you have multiple personalities syndrome (just kiddin<3) anyway yeahh.. i'm really happy and proud of you because of what you've been achieving when it comes to writing. I mean it was just wow!! Also i'm very blessed to be your friend, you are such a humble and nice guy :) lovelots and Godbless always

From your Bebe (@KayeSJ):

As a reader: Bago pa man kami maging close ng lalake 'to, naging partner muna kami sa FAGS. Story ko Tagalog, yung kanya English at action pa. Nasaan ang hustisya dun?! Well yeah, I do read English books pero chicklit ang genre ko, hindi action! Haha. Akala ko marereader's block ako, pero I was wrong. Naenjoy ko yung Laxerf, saka kahit na English yun naiimagine ko yung scenes na gawa niya pati na rin ang emotions ng mga characters. Hanggang sa nabasa ko na rin ang mga tagalog stories niya, saka yung comedy book. Ang astig lang kasi as a reader, habang binabasa ko ang stories niya, hindi ko namamalayan na nasa Author's Note na pala ako at tapos na ang chapter. Ganoon ko naeenjoy ang stories niya.

As an author: Well, pag action at hearts hearts na natural, si bads ang da best diyan. Mapapatadyak ka sa action scenes at mapapatili ka sa kilig. Yung ginagawa niya kasing kilig chuchu eh natural. Hindi pilit, yung hindi mo na kailangan ng music para mafeel ang emotions ng characters. Partida pa yan. Haha! At kahit gaano kaiksi ang mga updates, he sees to it na mabubusog ang mind, soul at eyes ng readers. Saka kahit mahilig sa MBhan yan, (sounds weird to me. Hahaha!) hindi niya pa rin nakakalimutan ang obligation niya to his readers-- ang mag-update for like thrice a week, I think. Nakakadala din kaya ang bawat chapter na sinusulat niya. Maayos din ang pagkakalahad niya mapa-english man o tagalog, as a result, he's able to take his readers to the other planet. Nadala na nga niya ako sa Lakserf eh. Haha!

Message: Yow, bads! Ano pa ba imemessage ko eh alam mo namang napapanganga ako sa mga gawa mo. Mapa-action, sweet o comedy man, idol kita. Chos! Ayaw ko na nga. Hahaha. Kung nasaan ka man, diyan ka lang. Haha. Dejoke, isa ka sa mga underrated writers na kilala ko. Your works deserve to be in a cinema. Pag ikaw sumikat, wag mo ako kakalimutan. Sige ka, 'di ka na makahanap ng katulad kong "supportive". Hahaha!

From @YourWattyRebel (Buni-Buddy HAHAHAHAHA):

Sa totoo lang wala na akong masabi inagaw na lahat ni @KayeSJ. Siya na. Siya na talaga. Sige alis na ako. :D HAHAHAHAHA. tae natatawa ako sa Bebe mo. Pero ahm serious na. Thank you Arcie not just sa interview pati nadin sa friendship isa ka sa mga naging kaclose ko na guy sa watty. At dahil sa pagiging kwela mo lagi mko napapatawa pag malungkot ako. Chos. Yun nga. Isa ka sa mga pinakamakulit na nakilala ko sa wattpad. Isa ka din sa mga pinakamalapit sakin. Hmm. naalala ko ung first convo natin. Tae parang ang kapal ng face natin. ganun agad. nakagawa pa OneShot. HAHAHA. natatawa talaga ako kay JunJun ang saya. Ayos yan. Ayun sa mga works mo namn. hindi ko naman nababasa lahat pero ung isa nabasa ko. Puro laftrip eh. HAHAH. Well ikaw na ikaw kasi puro pagpapatawa ang ginagawa mo. Un wag ka sana magbago pag dumami friends mo. baka makalimot ka eh. HAHAHAHA. Ayun so Stay Humble and Hot. What?! Ansabe ng hot? HAHAHA. Wala na ako masabi. Bsta thank you sa friendship and interview and ingat ka lagi. :) Always here for you pag kailangan mo kausap. Payback time namn. Kesa lagi na lang ako ang lumalapit sayo. GodBless Bunipie.

Interview 101 (An interview with MALE AUTHORS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon