20

11.1K 206 66
                                    

This is not the last chapter. I REPEAT! This is not the last chapter. XDD

Pasensya madaming mali NA NAMAN!hahaha!!

20

 

LEANNE

"Sigurado ka bang okay lang na nandito tayo ng ganito kaaga, Sophia?"

"Oo naman BFF! Tulog mantika si Kuya kaya alam kong hindi niya tayo mapapansin na trepassing na tayo dito sa Unit niya." nakangiting sabi ni Sophia at nilabas na yung mga lulutuin namin.

Nandito kami ngayon sa unit ni BAD. Oo, unit niya dahil alam ni Sophia yung password kaya nakapasok kami . Kanina pa nga ako kinakabahan eh. Paano kapag nagising si BAD at nakita niya kaming nandito? baka kasuhan pa kami ng tresspasing nun.

"BFF, simulan mo ng magluto!"

"ah? okay sige..." nandito na rin naman kami itutuloy ko na lang ito. Tsaka na ako mag-iisip ng dahilan kapag nahuli kami.

Simple lang naman yung ihahanda ko. Omelet, bacon tapos fried rice lang dahil nga breakfast ang napagkasunduan namin ni Sophia. Ang aga nga niya nagpunta sa unit namin kanina mabuti na lang tulog pa si Maddy kundi baka nagkagyera na.

Malapit na ako matapos sa pagluluto ng biglang may tumunog na phone kaya napalingon ako dun sa magkatabing phone namin ni Sophia.

"Sophia, phone mo ata yung tumutunog..." sabi ko dahil busy siya sa paghuhugas nung mga pinggang nagamit namin. Maghuhugas na lang daw siya dahil dun siya magaling.

"ah oo nga. Hindi ko na napansin." Nagpunas muna siya ng kamay bago niya kinuha iyon at sagutin.

"Hello?"

"ahh...ganon? sige! saglit lang bababa lang ako para kunin yan" napatingin ako kay Sophia. Anong kukunin niya?

Teka...iiwanan niya ako dito?!

"BFF—"

"Huwag mong sabihing iiwanan mo ako dito Sophia..." sabi ko at pinatay na yung electric stove. Mabilis lang naman lutuin yung mga pagkaing napili namin kaya agad ding natapos.

"Tumawag kasi yung bakery dun sa may kanto at pinapakuha na yung tinapay na freshly bake..."

"tinapay? bakit di na lang natin dinaanan kanina?" atsaka paano kapag nagising si BAD na ako lang ang nandito?

"eh kasi BFF hindi pa yun nababake kanina at isa pa paborito ni kuya yun. Don't worry hindi pa naman magigising yang si Kuya. Huwag ka ng sumama BFF i-ready mo na lang yung pagkain niya para pagbalik ko yung tinapay na lang aasikasuhin natin. Saglit lang naman ako."

"Siguraduhin mo lang na saglit ka lang dun ah..."

E.N:DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon