18

10.8K 143 17
                                    

dapat 17.3 ito kaso wala na akong magiging ideya sa 18 kaya ito na lang hoho...

hulaan ko mararamdaman niyo sa chapter na ito.

1) maiinis

2) matutuwa at the same time maiinis

3) sobrang inis!

bwahahaha...nagback read kasi ako pero di nag-edit XD

18

BAD

"Dito ka na lang muna matulog Arkhin baka mapano ka pa sa daan dahil sa lakas ng ulan."

"Mom kailangan ko pong umuwi dahil may naiwan pa akong trabaho sa pad ko." sabi ko.

Dito ako dumiretso pagkaalis ko ng Bar dahil sa gusto ko lang dalawin sila Mommy kaso wala naman si Daddy, nasa business trip na naman.

"Trabaho ba talaga o babae?" nakangising sabi ni Mommy.

"Mom, girls are off limits in my pad except you, Sophia and also Nanay Miding." Si Nanay Miding yung taga-linis ng pad ko twice a week.

"Sus! Totoo ba yan?"

"Opo, 100% sure!" nakangiting sabi ko.

"Oh sige bago ka umalis samahan mo muna akong magkape." sabi niya at nagmadaling nagpunta ng kitchen para siguro magtimpla ng kape.

Nakaupo lang ako dito sa sala habang iniintay siyang bumalik. Hindi pa rin talaga nababawasan ang pagiging sweet ng nanay ko kahit tumatanda na siya.

Bihira lang akong magpunta dito sa bahay dahil busy ako sa work and also other stuff kaya nga naisipan kong dumalaw kasi baka mamaya nagtatampo na pala ang nanay ko eh di lalo akong nalagot.

"Here's your coffee sir!" nakangiting sabi niya at naupo sa kaharap kong upuan after niyang ibigay sa akin yung kape.

"Thanks Mom!"

"So kamusta na ang lovelife ng panganay ko?"

"Good."

"Good not best?"

"opo. Don't worry po malapit na siyang maging best." Tumatawang sabi ko na nagpasimangot naman sa kanya.

"Kailan ka ba titigil dyan sa pangbababae mo anak? Di ka ba natatakot sa karma?"

--_____--

Pangbababae talaga?

"Karma have two types Mom. It is Good and it is Bad..."

"I know anak pero hindi ko maiwasang kabahan sa mga pinaggagagawa mo. Hindi ka naman ganyan dati di ba?" napahinto ako sa sinabi niya.

"Mom, lahat nagbabago-"

"Worlds the same." pagtatapos niya sa sasabihin ko dapat.

"You win. Ang tao lang ang nagbabago." Sukong sabi ko. I know Mom. If she said something, she's serious about it at kahit anong pakikipagtalo pa ang gawin mo hindi pa rin siya magpapatalo.

"Narinig ko kay Sophia na bumalik na daw si Leanne." As I expected, kay Leanne ang bagsak ng usapang ito.

"Matagal na po siyang nakabalik."

"Talaga?! So nagkabalikan na ba kayong dalawa? Kailan mo siya dadalhin dito?" kita ko ang kasiyahan sa mukha niya. After all these years, I know Mom still likes Leanne after what she'd done to all of us before.

Para kasi kay Mommy, hindi gagawa ng isang bagay ang tao kung wala siyang matinong dahilan and she kept on telling us that we should give Leanne a chance to explain her side when we see each other again but it took 7 years and I don't think, we still need to know her side.

E.N:DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon