2

18.3K 213 40
                                    

dedicated kay EmbiWitchy kasi present dito fav character niya XDD

di ko keri mag-lagay ng title per chapter-.- sorry! hehe 

2

LEANNE

Dalawang araw na rin ang nakalipas at wala ako masyadong ginawa dahil nakakulong lang ako dito sa bahay.

“hays…ang tagal naman ni maddy” pumasok kasi siya sa trabaho niya and mamayang hapon or gabi pa uwi nun samantalang alas-dose palang ng tanghali.

“hmm..maglilibot na nga lang muna ako”

Nagbihis muna ako and then umalis na ako ng condo at pumunta ng mall.

Mabuti na lang may malapit na mall sa tinitirhan namin kaya hindi ako maliligaw ^_^

Mukhang wala naman masyadong nagbago sa pilipinas mula ng umalis ako dumami lang mga gusali -.-

Diretso na lang ako ng bookstore kasi wala naman akong gagawin sa mga tindahan ng damit dahil mga bagong damit yung iniuwi ko dito hehe.

“ano kayang maganda sa mga librong ito?” tinitingnan ko yung mga novel and I can’t decide kung anong bibilhin ko dahil lahat maganda-.-

Nahilig ako sa mga ganito lalo na yung mga lovestory kasalanan ni Sunshine. Isinali kasi niya ako sa pagiging adik sa mga ganitong babasahin but I like it. Paano kaya ito ginagawa or sinusulat nung mga author?base kaya ito sa karanasan nila?or just base on their imagination?hayy….

Habang binabasa ko yung content nung libro may naririnig akong dalawang babae na nag-uusap or should I guess nagtatalo sa may likuran ko ata? -.- pamilyar yung boses pero ayoko silang tingnan baka sabihan pa ako ng tsismosa -.-

“eto na kasi maganda naman ito eh!”

“duh?!kailangan natin historical book hindi novel! Okay?HISTORICAL”

Usapan nung dalawa na sure na akong nasa likuran ko.

“eh di bibilhin ko ito!may pera naman ako”

“hayyy…dapat kasi ako na lang nagpunta dito” iritang saad nung isa

“oo nga! Sana ikaw na lang mag-isa pumunta dito hmmp!”

Ibabalik ko na sana yung libro para lumipat sa kabilang side kaso naitulak ako nung isa sa kanila kaya napalingon ako.

“hala!so—rry…Leanne?”

Hindi agad ako nakapagsalita sa nakita ko. Is this for real?O_O

Hindi pa ako handa…sana pala hindi na lang ako umalis ng bahay -.-

E.N:DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon