11.2: UNTITLED

15K 148 38
                                    

Hi! 

pasensya na kung sablay  yung second pov nawala ako sa drama nung first pov natin eh hahaha ayan tuloy nagkanda-gulo-gulo na yung dulo.

Thank you po sa Pag-suporta!^___^

i hope na ma-enjoy niyo ang chapter na ito pambawi ko na lang na mahaba ito hehe

chungmal biane sa mga errors na maeecounter niyo :)

11.2: UNTITLED

LEANNE

Dalawang oras na rin silang nakaalis at hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan yung naging pag-uusap namin ni Dwane.

I don’t know kung dapat ba akong magpasalamat dahil sa naaksidente ako dati kaya hindi natuloy yung kasal namin ni Jin or dapat ikasama ng loob ko ang aksidenteng iyon dahil sa posibleng mangyari sa akin.

Higit pa sa kapatawaran ang gusto kong makuha kaso sabi nga ni Dwane ako lang ang masasaktan sa huli kapag ipinilit ko ang kagustuhan ko. Bakit ba kasi sa akin nangyayari ang lahat ng ito. Bakit ako pa?!

Hindi ko na napansin na tumulo na pala ang luha ko.

“…aish! Hindi ka naman iyakin dati diba? Eh bakit ngayon iyakin ka na…” sabi ko sa sarili ko. Ako lang kasi ngayon ang mag-isa dito sa condo dahil nag-party sila Maddy kasama ng mga staff niya.

Wala namang mangyayari kung magmumukmok lang ako dito sa loob kaya nagbihis ako at lumabas ng unit namin. Pupunta na lang siguro muna ang sa 7-eleven sa baba at tatambay doon.

Hinihintay kong mag-stop sa floor namin ang elevator. Ang sabi ni Brea si BAD ang kasama niya nung oras na iniwan siya ni Jin so may tsansang dito rin ang condo ni BAD…tama ba ako? Dito rin ba siya nakatira sa building na tinitirhan ko?

“are you not coming in?” tila nakakita naman ako ng multo ng tiningnan ko yung nagsalita. Bukas na pala ang elevator at siya ang nabungaran ko. Si BAD.

“ahm..”

“come in now…” parang na-magic naman ang mga paa ko at kusa na lang ito naglakad papasok sa elevator kahit pa puno ako ng kaba.

Kaming dalawa lang sa loob ng elevator at katahimikan lang ang tanging namamayani sa pagitan namin. Sinubukan ko siyang tingnan ng hindi niya mahahalata at nakita ko siyang prenteng nakatayo lang at papindot-pindot sa phone niya habang nakangiti ng malapad.

Si Hannah ba ang ka-text niya? O di kaya girlfriend niya?

Naiisip ko palang na maaaring girlfriend niya yung dahilan ng pagngiti niya parang binibiyak na ang puso ko. Naramdaman ko naman ang parang tubig na namumuo sa gilid ng mga mata ko kaya agad akong umayos tsaka pasimpleng pinunasan ang mata ko.

Tiningnan ko kung saang floor na ba kami at tumapat kami sa 10th floor at nagbukas ito tsaka may pumasok na apat na tao kaya napunta ako sa kabilang gilid samantalang siya naman ay sa kabila.

Maingay yung mga bagong pasok pero hindi nakatakas sa pandinig ko yung mga sinabi ni BAD sa katawagan niya…

“hey Babe, yes. I’m on my way now so better get ready…yeah don’t worry I assure you we will have some fun tonight.” Hindi ko na maiwasang mapatingin sa kanya at wala na akong pakialam kung mahuli man niya akong nakatingin sa kanya. Nakatagilid siya habang nakangiting nakikipag-usap.

Dali-dali akong umiwas dahil may tumulong luha sa kaliwa kong mata. Eto na ba yung tinutukoy ni Dwane? Bakit ganon? Hindi pa naman ako nag-uumpisa nasasaktan na ako…paano pa kaya kung harap-harapan ko na siyang nakikitang masaya sa piling ng iba? Hindi ko ata kakayanin. Maingay pa rin sa loob ng elevator pero nangingibabaw pa rin ang boses niya na masayang nakikipag-usap sa ‘babe’ niya. Tila nga hindi niya napapansin na kasama niya ako o talagang wala lang sa kanya ang presensya ko.

E.N:DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon