Chapter 49: 3rd day- Boracay

52.1K 469 44
                                    

Napansin ko pong sa story kong to, wala masyadong problema. Diba? Pasensya, napaka-perfectionist ko po kasi. Ayoko, hindi naman pala sa ayoko, but as much as possible kasi ayoko ng flaws and imperfections sa mga love story. Hahaha. Ang weirdo ko no? 

Anyways, read on =)

-----------------------------------------

Mikay's POV

Nandito kami ngayon ni Gino sa d'mall Boracay. Syempre, mamimili na kami ng mga pasalubong ni Mikki, Kiko, Andrea, Daddy, and ni Mommy. Syempre bibilhan na din namin ung tatlong abnormal. If you know what I mean? HAHA. Si Lester, Kats at Sed!

"Eto na lang kay Ands oh! Wag na yan!" reklamo ni Gino. 

"Eto parang mas kilala pa si Andrea! Ikaw na pumili nung para kay Daddy, Lester, Kats at Sed! Ako na bahala kay Mommy, Kiko and Andrea! Mamaya na ung kay Mikki." lumayo muna ko sakanya at lumipat sa ibang store.

Habang pumipili ako nung para kay Kiko bigla namang sumulpot si Gino.

"Ay! Bat ka ba nanggugulat?" tanong ko sakanya. Napansin kong wala ung mga napili nya kanina.

"Oh? Nasan na ung pinili natin kanina dun?"

"Iniwan ko.." sabi nya sabay hawak sa batok nya.

"Bakit?" 

"Eh nawala ka kasi bigla eh.. Ayun iniwan ko lahat dun tapos hinanap kita.." sabi nya sabay ngisi.

"Abnormal ka talaga. Yan. Hahanap na naman tayo ng panibagong regalo imbis na magpahinga na lang tayo sa bahay.." 

"Babalik na lang ako.. Teka.. dito ka lang huh?" tapos tumakbo na sya pabalik dun. 

Maya-maya lang dala na nya ung mga napili namin dun. Ako din tapos na mamili. Pati yung kay Mikki, ako na pumili.

"Uwi muna tayo, pagod na ko eh. Mayang hapon na lang ulit." aya ko. 

"Tara.." bumalik na kami sa hotel para magpahinga. Nakakapagod kasi eh..

Maya-maya tumabi sakin si Gino sa couch at hinilot ung ulo ko. Ang sweet nu? :P

"Masakit pa ba?" tanong niya.

Hala Ka!? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon