Chapter 50: Miss

50K 433 50
                                    

Sabi ko kanina hindi muna ko mag-uupdate. Hindi ko rin natiis at nag-update din. Wahaha. Wala kasing inspiration eh, pano konti ng MiGi scenes. Kabwisit.

HAHA. Pasensya kung nilagyan ko ng paepal. Eh kasi gusto ko ng thrill. Bwahahaha. Pero hindi ako magaling gumawa ng ganong scenes, kaya next time na lang. Bwahahaha. :p Nga pala si Christian is si Albie. 


Fact: I'm a KathBie Fan. Bwahaha. Syempre, sa Mara Clara, uber ang suporta ko talaga sa KathBie pero nung dumating si Dj, KathNiel na. hehe.

Kung binabasa nyo to, salamat. Bwahaha minsan lang ako maglagay ng ganito. Bwahah- sorry. Natuwa lang ako sa pagtype ng Bwahaha :P



-------------------------------

Mikay's POV

After last night, wala lang. HAHAHA. Eto kami ngayon nagaayos na, uuwi na kasi kami sa Manila. Back to work and stress. Kakalerqui. 

Pero syempre excited na din ako. Kasi ito na ung pinakamatagal na nahiwalay ako kay Mikki eh. Sana naman ayos lang ung batang un at hindi nahirapan sila Andrea sa pag-aalaga sakanya. Pihikan pa naman un.

"Babe. Excited ka na no?" tanong ni Gino. Nandito na kami sa boat pabalik ng airport. 

"Syempre. Kaya lang balik trabaho na naman tayo. Stress again." sabi ko sabay lean sakanya.

"Ok lang yan. Nandito naman ako eh.." sabay taas baba ng kilay. Siniko ko nga.

"Aray. Brutal mo babe." 

"Wag ka kasi makulit." maya-maya lang, pinababa na kami at dumerecho na kami sa airport. 

"Aray!" sigaw ko. Pano may bumangga sakin. Inalalayan naman agad ako ni Gino.

"Sorry miss!" sigaw nung lalaki tapos tumakbo papalayo.

"Dude--" magsasalita na sana si Gino pero pinigilan ko.

"Hayaan mo na.." sabi ko habang hinahaplos ung braso ko.

"Sigurado ka?" sabay hawak sa dalawa kong balikat.

"Oo.. tara na.,." tapos dumerecho na kami sa airplane.

Hala Ka!? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon