Chapter 15

63.3K 558 26
                                    

Chapter 15: Skype

--*--

Mikay's POV

Naalimpungatan ako at agad na napatayo. "Gino!"

Napalingon naman siya sakin at dali-daling lumapit. Iniwan niya pa yung mga folder niyang hawak. "What? May masakit ba sayo?" Tanong niya with full of concern ang tono.

"Wala.. Wala.." Iling ako. "Matagal ba 'kong nakatulog?"

"An hour and a half." Sagot niya. "Fix yourself. We're going somewhere."

Tumango ako at kinuha ang bag ko para mag-ayos. "Sa bahay lang ba tayo kakain?" Wala sa sarili kong tanong.

Napalingon si Gino at doon ko lang narealize ang sinabi ko. Medyo akward pala..

"Um, y-yeah. Sa b-bahay tayo kakain.."

"Okay."

Hinawakan niya ang bag niya sa kanan niyang kamay habang ang kaliwang kamay niya ay nakalahad sa harap ko.

Tinignan ko naman yon ng matagal hanggang sa siya na mismo ang humila sa kanang kamay ko. Itinaas niya ang kamay namin at sinabing, "double purpose to. Mukha tayong mag-asawa at maaalalayan pa kita."

"O-okay.."

Binitawan niya sandali ang kamay ko para pagbuksan ako ng pinto. Agad din naman niyang kinuha ulit ng makalabas kami.

"Good night, Ma'am, Sir." Nakangiting sabi ni Ashley. "Ingat ho."

"Good night." Bati ko rin. "Ingat din."

Binati rin kami ng ibang mga empleyado. Nang sumakay kami ng elevator, walang sumabay samin na naintindihan ko naman. Syempre, nahiya naman sila sa CEO.

"Ngayon ka lang ba nila nakitang may babaeng kasama slash kaholding hands?" Tanong ko.

He chuckled. "I don't think so. Siguro, dito sa office, oo."

Hindi naman ako nagtanong pa.

"But I think, they're just shocked nung sabihin kong asawa kita." Dagdag niya. "They think I wouldn't get serious when it comes to girls."

"Tss, tama sila." Bulong ko.

"Bubulong ka na lang, yung maririnig ko pa. Saka, magseseryoso na ko no."

Hala Ka!? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon