Chapter 13

66.9K 607 29
                                    

Chapter 13: Sight seeing



--*--

Gino's POV

Sumakit ang likod ko dahil sa sahig ako natulog. Hindi pa kasi dumadating yung isa pang kama na inorder ko e. Nagstretch ako saka bumangon. Nakita ko namang tulog na tulog pa si Mikay.

Dumerecho ako agad sa cr at naligo. Napagpasyahan ko kasing since kakadating lang namin kahapon, ayoko munang pumasok sa trabaho.

Paglabas ko ng cr, nakita ko si Mikay na konting galaw na lang eh malalaglag na. Dahan-dahan ko siyang nilapitan pero biglaan siyang gumalaw kaya napatakbo ako at sinalo siya mula sa pagkalaglag.

"M-mikay!" Napasigaw ako. Napamulat naman siya at nagtaka sa pwesto namin. Agad siyang kumawala at naupo sa kama.

"Anong nangyari?" Tanong niya habang nagkukusot ng mata.

Napahawak ako sa dibdib ko at pakiramdam ko ay pinagpawisan ako. That was close.

"Anong nangyari?" Ulit niya. Ngayon ay nakatingin na siya sakin.

"Muntikan ka ng malaglag sa kama." Frustrated kong sabi. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sa anak ko.

"S-sorry." Bulong niya at tumayo para pumunta sa cr.

Napabuntong-hininga na lang ako at lumabas para maghanda ng breakfast.

"Tulungan na kita.." Napatalon ako ng biglang tumabi si Mikay sakin. Natawa siya ng kaonti.

"Magsabi ka naman! Ninenerbyos ako sayo e!" Pabiro kong sabi at humawak pa sa dibdib ko.

"Tss. Ano nga? Tulungan kita?"

"Wag na. Kaya ko na to. Itlog lang naman to tsaka hotdog." Nginuso ko yung upuan. "Maupo ka na dun."

"Okaaaay, bye."

Madali kong niluto yung hotdog at itlog para maaga kami makaalis.

"Ipapasyal kita." Sabi ko. Napatingin ako sa reaksyon niya at hindi ako nagkamali, kumikislap ang mata niya. Haha!

"Talaga?!" Nakangiting tanong nito.

"Uh-huh" sagot ko lang habang inilalapag ang niluto ko. "Kain na."

Napa-yes siya at kumuha na ng pagkain.

Maya-maya lang, "Hmm. Ang sharap!." sabi nya habang punong-puno ng pagkain ung bibig nya.

"Don't talk when your mouth is full." Saway ko. Inirapan nya lang ako at tinawanan ko siya.

"Tss."

"Haha! Kaya wala kang boyfriend e." Pang-aasar ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit naman?"

"Sungit mo kasi e." Asar ko at bahagyang tumawa. "Miss Sungit!"

Hala Ka!? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon