Chapter 31: Something's fishy..

56.8K 494 29
                                    

UPDATEEEEEEEEEEEEEEEE dahil nasa mood ako :DDD 

Kung gusto nyo pong magpadedicate, sabihin nyo lang po! :D

-----------------------------------

Mikay's POV

Nakauwi na si Gino. In fact, may kasama siya. Yung kasama niya ay kinaiinisan ng kasama ko. Gets nyo naman siguro diba?

Yep. Jason's back. 

Tinanong ko nga si Gino kanina kung bakit bumalik ulit si Jason sabi niya, sinusundan daw si Andrea. Kaloka. 

Ngayon, humiwalay muna kami. Nasa kwarto kami ngayon. Syempre, to  let them have their privacy. Mahihiya lang yun si Andrea pag nandun ako tsaka si Gino.

"Bat daw ba ayaw ni Andrea kay Jason?" tanong ni Gino habang nilalaro yung kamay ko.

"Basta sabi nya mayabang daw tsaka feeling gwapo." sagot ko naman.

"Ganun ba? Ewan ko nga jan kay Jason. Hindi naman ganyan yan eh." napatingin ako kay Gino. Yung curious look.

"What do you mean?"

"Hindi sya playboy tsaka he's serious when it comes to relationships." naningkit ung mata ko.

"Don't tell me he's just fooling around ngayon? Na pinaglalaruan nya lang ung kaibigan ko." umiling sya.

"No.. no.. no.. Hindi sya ganyan. There's a reason behind his action." napanatag naman yung loob ko.

"Haynako. Kausapin mo yang kaibigan mo ha?" ayoko lang kasi masaktan si Andrea.

"Yes ma'am!" nagsalute pa sya.

"Ewan.. Pareho lang kayo ng kaibigan mo eh.." 

"Anong pareho?" 

"Ay hindi pala.. Sabi mo kasi si Jason hindi playboy, eh ikaw?" tumawa ko ng konti.

"Anong? Hindi kaya ako playboy!" 

"Talaga lang ha?" kumalma sya at huminga ng malalim.

Hala Ka!? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon