Tama ba o tama na

199 1 0
                                    

Tama Ba o Tama Na
// Spoken word poetry 11 //

Tama bang ipagpatuloy ko ang aking pagiging tanga
O tama na dahil sakit at luha lang naman ang dala
Tama bang mahalin ka pa rin kahit ang sakit-sakit na
O tama na kasi marami pa namang mahahanap na iba
Pero paano kung ikaw pa rin ang laging sigaw ng puso ko
Patuloy pa rin akong umaasa kahit malabong maging tayo
Kahit gaano pa man kahirap at kasakit ay titiisin ko
Dahil tanging nais ko lang naman ay kaligayahan mo
Minamahal kita kahit alam kong mahal mo ay iba
Puso ko'y laging sayo kahit pagtingin mo'y sa kanya
Mahal kita, mahal mo siya pero ang sakit dahil mahal ka rin niya
Kahit tumingin ako sa salamin ay nagmumukha talaga akong tanga
Oo, tanga na kung tanga
Pero nagmahal lang naman ako diba
Oo, bobo na kung bobo
Kasi laging puso ko ang nagdidikta
Bakit patuloy pa rin akong umaasa
Kahit alam kong hanggang pangarap lang kita
Bakit patuloy pa ring naghihintay sinta
Kahit alam kong sa panaginip lang kita makakasama
Siguro nga ay kailangan ko na lang tanggapin
Na kailanman ikaw ay hindi magiging akin
Pero heto lang ang aking tanging hiling
Sana'y wag ka niyang saktan at paiiyakin
Hangad kong ika'y maging masaya't maligaya
Sa kanyang piling sana ika'y hindi lumuha
Dahil sa pagkakataong ito ako'y nagparaya
Alam kong talo na ako sa larong pinasukan ko
Pero lumaban ako kahit alam kong ako'y dehado
Nagbakasakali ako at umasang magiging tayo
Kahit sa simula pa lang alam kong laman ng puso mo'y hindi ako
Ngayo'y napagisip-isip ko na
Siguro nga ay hindi tayong dalawa
Ang itinadhana para sa isa't-isa
Ipinikit ko ang aking mata
At sa tanong na Tama ba o Tama na
Siguro ang sagot ko ay TAMA NA

© Chrstnsrn

Spoken Poetry Where stories live. Discover now