Ikaw at ako

369 5 1
                                    

Ikaw at ako
// Spoken word poetry 3 //

Ikaw at ako dating tayo.
Balik tayo sa dati.
Dating merong tayo.
Tayo salitang gusto kong pakinggan araw araw.
Tayo salitang gusto kong ipagmalaki sa iba.
Kaso ngayon nag bago ang lahat.
Ngayon ang salitang TAYO ayokong ng marinig kahit kailan.
Ngayon ang salitang TAYO nahihiya akong sabihin na merong palang tayo.
Ayokong marinig? Kasi ako lang naman pala yung nag papakatangang maniwalang merong TAYO.
Nahihiya? Dahil kapag sinabi ko yun sa iba wala ng say say. Wala ng kwenta.
Wala ng kwenta kasi ako pagod nakong maniwala sa salitang tayo na kahit kailan di mo sineryoso yung feelings ko para sayo.
Pinahalagahan ko lahat kaso ikaw sinayang mo lahat.
Balik tayo sa ikaw at ako.
Ikaw at ako dating masaya.
Ikaw at ako palaging mag kasama.
Ikaw at ako nangako sa isa't isa.
Ikaw at ako pinahalagahan ang bawat oras na mag kasama.
Ikaw at ako dating may pag asa.
Ikaw at ako parehas nag pakatanga.
Nag pakatanga sa salitang Tayo.
Tayo salitang pinagmukha tayong tanga.
Salitang ako lang ang naniwala.
Salitang ako lang ang umasa.
Ikaw at ako. Ngayon wala ng tayo.

© KG_

Spoken Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon