Tanga

338 2 0
                                    

TANGA
// Spoken word poetry 5 //

Tanga. Limang letrang naglalarawan saakin nung araw na minahal kita.
Ako yung nagpapakatangang mahalin ka ng wagas pero binalewala mo lang. Pilit kong pinagsisiksikan ang sarili ko sa pusong kahit kailan di mo kayang buksan. Nagmamakaawa ako na mamahalin mo ko dahil handa akong ibigay Lahat para sayo. Oo. Lahat para sayo. Dahil mahal kita. mahal na mahal kita. pero Hindi ko lubos maisip Na sa bawat panaginip ko bakit ikaw ang nasa isip? Pag kagaling sa paaralan pagod. Pagod ngunit bakit ikaw parin ang naiisip? Ikaw lang. Puro ikaw lang ang aking nasa isipan Siguro nga dahil mahal kita. Ang saya saya ko Kahit ang sakit sakit na.
Ang saya saya kong magpakatanga sa taong kahit kailan hindi ako nakayang pahalagahan.
Masaya ako dahil masaya ka, Hindi ko naiisip ang sakit sa tuwing nakikita kita, Na sa bawat ngiti mo nawawala ang sakit na dulot mo. Pilit kong Binago ang Mundo ko,
Hindi ko alam kung tama ba ito?
Tama bang Mahalin pa kita Kahit na alam kong ako lang ang nag mamahal sating dalawa?
Gusto ko sanang mag patulong na lumaban, Pero dahil mahal kita, Ayokong mahirapan ka pa. Sa bawat oras nangangamba ako na baka sa oras na tupadin ko ang aking tungkulin ay magsisi ako. Tungkulin na dapat palayain kana. Na kahit mag mukhang akong tanga sa harap mo atleast nasabi kong napalaya na kita. Hindi na ko mag tatanong kung MAHAL MO BA AKO? Dahil alam ko sa sarili ko na hindi mo ko kayang mahalin, Ang sakit para saakin ngunit mahal nga pala kita. Masaket ang laging naiiwan at nasasaktan.
Para akong laruan na pwede mo lang paglaruan.
Para akong bagay na pinapa ikot ikot mo lang.
Ang tanga ko. Antanga ko kasi ngayon ko lang naramdaman na kahit kailan di mo ko kayang mahalin pa. Ngunit sawa na kasi ako eh. Sawa na kong magpakatanga para sayo. Makakalaya na ko. Makakalaya sa Hawlang pinasukan ko nung unang araw na minahal kita. Hindi ako iiyak para sayo. Bakit ako iiyak sa taong ako mismo ang sinayang? Ngayon ko lang Nalaman na hindi pala nararapat sayo ang pag mamahal ko. Dahil hindi mo ito kayang Pahalagahan. Yung araw at oras na pinapaasa mo ako sana pinahalagahan mo na ko. Ang daming araw at oras ang sinayang ko para sayo. Ngunit ngayon kahit kailan di mo na mararamdaman ulet yun kasi pagod nako. Pagod nakong masaktan. Pagod nakong magmahal sa taong kahit kailan hindi ito nakayang suklian. Sana sa aking huling paalam maintindihan mo lahat. Lahat ng paghihirap ko para lang sayo. Kasi dati mahal kita pero ngayon. Pagod na ko. Sawa na ko. Pagod at sawa na akong masaktan ng paulit ulit. Salamat. Paalam.

© Chrstnsrn

Spoken Poetry Where stories live. Discover now