Crush

294 1 0
                                    

CRUSH
// Spoken word poetry 6 //

Crush.
Salitang nag papakilig sayo araw araw.
Taong nakakapag pasaya sayo araw araw. Ngunit ang taong yun minsan ka na ding nasaktan. Pumupunta ka sa paaralan para sa baon at kay crush. Sa araw at oras na kinakausap ka nya bumabagal ang oras.
Sa araw at oras na kinakausap ka nya pakiramdam mo kayo lang dalawa at wala ng iba. Sa araw at oras na kinakausap ka nya unti unti ka ng nahuhulog. Nahuhulog sa di mo alam kung sino ang sasalo sayo. Nahuhulog sa di mo alam kung ano babagsakan mo. "Crush lang ba? O mahal mo na" sa dalawang pag pipilian di mo alam kung saan ka mapupunta. Sa oras na may kasama syang iba naiinis ka. Sa oras na may kausap syang iba nag seselos ka. Masasabi mo pa bang crush mo sya? O talagang mahal mo na. "Puso o isip?" Sabi ng puso mo mahal mo na sya. Sabi ng isip mo iwan mo na sya dahil sa oras na mahulog ka natatakot nang masaktan pa. Isang araw nasa iisa kayong silid at kinausap ka nya. "Hi." Isang salita palang nya kinilig kana. "Hello." Sambit mo habang nauutal. "May sasabihin kasi ako sayo." Sa mga salitang binanggit nya bigla ka nalang kinabahan di mo alam kung gusto mo pa bang makinig o ayaw mo na. "Lakad mo naman ako kay ----." Yung oras na binabanggit nya ang mga salitang di mo inaasahan unti unti ka ng nawawasak. Nadudurog. Gusto mo ng umiyak sa harap nya ngunit pinipigilan mo kasi sa pakiramdam mo sa mata nya ikaw ang kawawa. Nasasaktan kana pero bakit ganon mahal mo parin sya. Tanga. Tanga. Tanga. Tanga. Tanga.
Ang tanga mo.
Sinasaktan kana nag papakatanga ka paring mahalin sya. Bakit hindi nalang ako? Ako na nandito lang naman para sayo. Mahal kita. Mahal mo sya. Ansaya diba parehas tayong nagpapakatanga. Ako na nahulog na sayo dati pa pero minsan ba nasalo mo ako? Minsan ba napansin mo yung pakiramdam ko? Yung pag aalala ko sayo? Hindi naman diba kasi lahat ng atensyon mo asa kanya. "Mahal kita." Gusto kong sabihin sayo kaso natatakot ako. Natatakot akong balewalain mo lang. Sana kapag nagkalakas ako ng loob sana tanggapin mo kung anong sasabihin ko. "Mahal na mahal kita." Sana wag kang mag pakatanga sakanya. Andito naman ako eh. Andito naman ako sasalo sayo sa oras na mahulog ka.

© KG_

Spoken Poetry Where stories live. Discover now