Tanong na ikaw lang ang makakasagot

351 2 0
                                    

Tanong na ikaw lang ang makakasagot.
// Spoken word poetry 4 //

Gusto kita pero di mo alam
Pinili kita kahit na ayaw mo
Alam kong hindi pwede pero andito ako umaasa sayo.

Sa dinami dami ng tao sa mundo bakit ikaw pa?
Sa dinami dami ng tao sa mundo bakit ikaw ang minahal ko?
Sa dinami dami ng tao sa mundo bakit ikaw lang ang nakikita ng puso ko?
Yan yung mga tanong sa aking isipan dati pa ngunit hanggang ngayon wala paring kasagutan.
Sa twing kapiling kita bakit anlakas ng tibok ng puso ko?
Dahil ba mahal na kita?

Minsan kong nakita ang kislap ng iyong mga mata at ang matatamis mong ngiti.
Sa bawat titig ko sayo ay lalo pakong nahuhulog.
Sa bawat pag tingin ko sayo isa lang ang sinasabi ng mga mata ko. gusto kita.
Sa bawat pagtawa ko sa harap mo isa lang ang ibig sabihin nito. Masaya akong kasama kita.
Dumating na ako sa puntong natanong ko ang aking sarili.
May pag asa bang maging tayo?
Mahalaga ba ako para sayo?
Pinapahalagahan mo din ba ako?
Mahal mo din ba kaya ako?
Andami. Andami ng tanong na gusto kong makuha ang sagot pero kailan. Kailan ko makukuha ang sagot. Paano. Paano ko malalaman yung mga sagot sa tanong ko.
Tanong na ikaw lang ang makakasagot. Sana sa aking huling tanong ay masagot mo.
Mahal mo din ba ako?

© Chrstnsrn & KG_

Spoken Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon