Kabanata 26

69.1K 2.2K 347
                                    


Kabanata 26


Tahimik at walang lakas na nakaupo lang ako sa front seat, hindi ko alam kung saan magbabaling dahil sa awkward ng atmosphere naming dalawa.

His firm arm is flexed while on the steering wheel, ang isang kamay niya ay nasa bintana lamang kagaya ng parati kong nakikita noon kapag nagmamaneho siya.

Pasimpleng umiwas ako ng tingin nang lumingon siya, my heart is racing wildly. Kabado ako sa maaring maisip niya at hindi ko rin alam kung bakit ako narito at pumayag na magpahatid sa kanya.

"Your apartment is in Celestina, right?" malamig niyang tanong sa malalim na boses.

Nagulat pa ako dahil sa tanong niya na parang sigurado naman. How did he know? Bakit alam niya na sa Celestina ako?

I nodded a bit.

"Sa kanto mo lang ako ibaba." malamig kong sabi.

Hangga't maari ay ayaw ko siyang mapunta pa sa lugar ko, sa aking tinutuluyan dahil ayaw kong malapit pa siya sa akin ulit. Tama na ang pag-uusap namin kanin.

Tama na ang lahat. Sapat na ang sakit sa lumipas na taon, hindi ko siya pwedeng mahalin kahit mahal ko talaga siya. Hinding hindi ko ipapakita iyon, I loath his mother! I will never forget what she did.

She manipulated my life like hell. Nadala na ako, noong pinapaiwas niya ako ay Cali ay ganoon na ang nagawa niya. Paano pa ngayon? Baka guluhin niya pa ang tahimik na buhay nila Tita Janice sa La Santa.

His brow shot up. He licked his lower lip as his jaw clenched tight.

"Why? Afraid that your boy Hontiveros or Santisteban might see us?"

My mouth dropped.

"What!? Are you stalking me?" pagalit kong sambit. "Paano mong nalalaman ang mga ganyang bagay sakin?"

Hindi siya nagsalita. He cleared his throat, napaliko na ang sasakyan papasok ng Celestina. May magagawa pa ba ako? Nakakapagod makipagtalo sa kanya ngayong gabi. Ni ayaw ko siyang matitigan pero gustong gusto ng isip ko.

Naguguluhan ako, hindi ko malaman kung ano ang iisipin. Wala pa akong planong tumigil sa paghihiganti kay Carisse Segovia, hindi sapat ang sakit na naramdaman niya kanina at nakita kong galit sa kanya.

I know she's loathing me because I'm poor and will never be right for her son. Masama na bang magmahal ngayon ng mayaman? Ngayong may natapos na ako at nagpupursigi ay wala pa rin bang pag-asa na maging pwede ang dating hindi dapat?

"You're living with your boy?"

"He's not a boy!" giit ko.

"Sino ba sa kanila? Didn't expect you'd be a two timer-"

"Damn you!" I muttered. "Hindi ako two timer at wala kang pakealam!"

Nagtatagis ang bagang ko sa sobrang kainisan, hindi ko maatim ang mga pinagsasabi niya tungkol sa akin. Bakit niya ba alam ang mga iyon? Kailan pa ba siya sa Maynila? Pinapasundan niya ba ako?

Fuck him!

He chuckled mockingly.

"Pinagsasabay mo sila, ano ang tawag doon? They let you do that? Bunch of stupid asshats,"

Uminit ang pisngi ko. Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng asul na apartment ay hindi na ako nakatagal pa, mabilis akong bumaba roon para pumasok ng gate.

Nadinig ko agad ang padabog na pagsara ng pintuan ni Cali para maabutan ako, mabilis kong sinuksok ang susi sa gate, he immediately held my waist from the back.

Isla Verde #4: Too Far AwayWhere stories live. Discover now