Kabanata 18

56.5K 2.3K 323
                                    


Kabanata 18

Walang tigil ang pagluha ko nang umuwi sa bahay, pinauwi ako ni Tita Janice pati si Jessa. Inasikaso niya ang labi ni Nanay sa ospital, iyak siya ng iyak. Pati sila Jella at Jessa, hindi alam kung ano ang nangyari.

Walang nakakaalam sa nangyari sa aming pamilya kaya hindi rin sila nagtatanong sa akin, Jessa and Jella are crying as we went inside the house. Wala akong magawa para pawiin ang sakit na nararamdaman naming lahat.

Sobrang bigat ng hangin, pati ang aming mga dibdib ay walang puwang ng kaluwagan ngayon.

Si Nanay ang halos nagpalaki sa aming lahat, si Nanay ang nagbihis sa amin, si Nanay ang nagpapaligo sa amin noon, si Nanay ang nagpapakain sa amin, si Nanay ang nagtatali at nag-aayos ng aming buhok.

Si Nanay ang dahilan kung bakit may pangarap akong gustong marating ng maayos, paano na ngayong wala siya? Paano ko aabutin iyon kung siya ang inspirasyon ko sa pag-abot noon?

Humaikbi ako at nagpunta sa kwarto ni Nanay. Umupo agad ako sa papag na higaan nila, I hugged her pillow. Her scent is still here, lalo akong naiyak at niyakap iyon ng mahigpit.

Sabi ko bibilhan ko pa siya ng mamahaling kama at malambot, papagawan sila ng malaking kwarto ni Lola sa isang mansyon at matutulog sila roon ng mahimbing na walang mga lamok.

Pinasadahan ko ng tingin ang kwarto, ang kanyang tukador na may iilang pampahid sa kanilang rayuma. Bawat sulok na tingnan ko ay sakit ang dulot sa aking puso.

Bakit ako iniwan ni Nanay? Bakit ganito? Bakit sobrang sakit?

Kinuha ko ang isang karton ng sapatos na may pangalan kong nakasulat gamit ang pentel pen. Naalala ko ang sinabi niya sa akin noong unang beses na atakihin siya, magpunta raw ako sa kanyang kwarto kapag nasa ospital siya para hindi ko siya mamiss sa aming bahay.

Tiana Ashiel, Shell.

Apo, ikaw ang pinakamagandang blessing na natanggop namin ni Lolo mo sa ganitong edad namin. Hindi kami nagdalawang isip na alagaan ka dahil isa kang anghel, palagi mong tatandaan na mahal ka namin ni Lolo.

Wag kang magtatanim ng kahit na anong sama ng loob, hindi iyon maganda. May dahilan ang lahat ng nangyayari, masama man o mabuti. Palagi mo lang iisipin na ikaw ang nakakaintindi, pasensya ka na kung hindi ka namin nabigyan ng magandang buhay.

Pag-aaral mo lang ang tangi naming matutustusan, kaya mag-aaral kang mabuti para sa sarili mo. Lahat ng gustuhin mo ay makukuha mo balang araw, mahal ka namin.

My tears fell, nabasa ang papel na naglalaman ng sulat ni Nanay. Niyakap ko iyon habang humahagulgol sa hinagpis.

Bakit ako iniwan ng taong pinakaimportante sa buhay ko? Bakit ako iniwan ng taong inspirasyon ko sa lahat?

Nanay...

May isa pang sobre doon na nakapailalim sa isang panyo na may nakaburang pangalan ko sa ibaba. Binuksan ko ang sobre, nanlaki ang mga mata ko nang makita ang makapal na perang papel roon. Nakasinop iyon at purong kulay asul. Mabilis kong ibinalik iyon doon.

Humagulgol ako at binasa ang nasa sobre.

Para sa'yo ito, Ashiel. Kung sakaling mawala man ako ay gusto kong may pera kang matatanggap para magpatuloy sa pag-aaral mo, alam kong hindi pa ito sapat sa mga taong tatapusin mo pero makakatulong ito sayo.

Nagtiim bagang ako.

Paano ba pawalain ang sakit kahit isang minuto lang? Gusto kong magpahinga sa sakit na ito, sobra sobra na. Hindi ko na kaya, para akong tao na walang buhay.

Isla Verde #4: Too Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon