Kabanata 40

103K 3.1K 850
                                    

Hi, this is the last chapter. Thank you for reading this not perfect work. Sorry for the mistakes, grammatical errors and typos. Hope you can support my other works. Again, thank you.

Kabanata 40

I am already married to Caspian Alistair Segovia. September 3 of 2017.

Nalaglag ang tingin ko sa aking palasingsingan, he bought our rings years ago. Palagi niya raw iyong dala dahil nasa isip niya palaging pwede niya akong hilahin kahit saang simbahan para lang pakasalan.

I can't believe it. Masyadong mabilis ang nangyari, Cyprian is our only witnessed bukod pa sa judge na dala niya. Wala akong kaayos ayos, nasa condo lang kami ni Cali nang ayusin ang mga papel ng aming kasal.

Cyprian looked in favor of what Cali did. Siya pa talaga ang nagdala ng judge at ng mga ibang gamit ni Cali na pinadala sa kanya. Wala akong masabi, nakatulala lang ako habang nangyayari ang lahat.

Nadidinig ko ang namamaos na boses ni Cali habang nakatayo sa harapan ng malawak na bintana. Maliit na nakabukas ang kurtina roon at nakatingin siya sa maliwanag na siyudad sa labas.

His wide bare back is really proud. Ang mga muscles doon ang nagpalunok sa akin, I inhaled and rubbed my eyes to see him clearly.

"I have my own company, Cyprian. Call an urgent meeting, I'm going to take down... yes, I'll set our dinner later with Mama."

He sighed heavily. Nakakafrustrate pala kapag hindi nadidinig ang kanyang kausap.

"I won't force her, then. I just want this to be formal and exclusive to everyone. I want everyone to know about my marriage. Walang kinalaman si Mama o ang kahit na sino. This is my decision."

Bakit kaya?

Bahagya siyang natahimik, agad akong nagkunwari sa pagtulog. I closed my eyes, alam kong lilingunin niya ako ngayon.

Pakiramdam ko ay may tutol sa kabilang linya at si Prian ang pinarating nito na nagmula sa kanilang Nanay. Hindi ko talaga matanggap kung bakit sila pa ang hindi makatanggap sa aking gayong sila ang maraming nagawang kasalanan.

Naroon ako sa mga tao tayo at nakakagawa ng kasalanang hindi inaasahan, pero ang kanilang kasalanan ay planado at sinadya.

I should be the one judging and loathing them, what they did is not right and unacceptable. They're not killers but they killed my family using their power we don't have.

Ganoon ba dapat? Ganoon ba ang mundo? Kaya mong ilagay sa iyong mga kamay ang kapalaran ng isang tao? Paano ang mahihirap at walang kakayahan? Stay poor while fighting the hardships?

"Believe me, I can, Prian. I don't care about anyone now that I have my everything. She's my everything, marrying her is the best decision I've ever made my whole life."

My heart fluttered and hurt at the same time. Sumasakit ang pakiramdam ko sa tuwing may tumututol, kasama na roon ang sama ng loob ko sa pagpapakita ng aking ina.

I wonder what will be her reaction when she knows this. Saka ko na iisipin iyon, I don't want her to hate me because of this but I won't hurt Cali just because she told me to.

Nasaan ba siya noong mga araw na nangungulila ako sa mundo? Sa isang ina? Wala.

Ganoon na siguro ang mga tao. Kailangan nalang intindihin ng mas nakakaintindi upang mabawasan ang sama ng loob at hinanakit.

Sa ngayon ay masaya na ako, I'm very much content with Cali beside me. Until now I can't believe our marriage happened that fast.

Para lang siyang nakipagdeal ng piso sa isang kaibigan, walang pagdadalawang isip. Walang pagtatanong at halong pagtataka sa biglaang kagustuhan ko.

Isla Verde #4: Too Far AwayWhere stories live. Discover now