Kabanata 30

77.7K 2.3K 438
                                    

Sorry for not updating. Mental block ako.

Kabanata 30



Days with Cali is like completing the whole year without him. Iyong mga taong wala siya ay nakukumpleto niya ng walang hirap, sa simpleng bagay o hindi.

Masyado akong kuntento sa aming dalawa, masyado akong kuntento na kasama siya kahit na alam ko sa huli ay baka magalit siya dahil sa paggamit ko sa kanya para makaganti sa sariling ina.

Tumitig ako sa aking repleksyon, sinuot ko ang pares ng dyamanteng hikaw na ibinigay ni Cali sa akin kahapon nang lumabas kami para kumain. We've been going out for a week now, kahit tumututol ang utak ko ay tinuloy ko pa rin ang aking balak.

Ngayon ang gabi na ipapakilala niya ako sa kanyang pamilya, presentable ang aking suot na itim na dress. I wore an all black outfit for tonight, I put dark lipstick on my lips and light make up to highlight a little but looked fierce.

Kakaiba ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko maisip na magagawa ko ang bagay na ganito kay Cali, pero lamang ang galit ko sa kanyang ina. Ayaw kong saktan si Cali pero gusto kong saktan ang ina niya at alam kong si Cali lang ang magagamit ko para doon.

I'm still in love with Cali, walang nagbago. Kung meron man ay hind sapat para mawala ang lahat ng alaala niya sa akin. Well, Rekta... I feel so close, kung hindi ko lang pinigilan ang sarili ko noon ay baka lugmok na ako kay Rekta.

But still, Cali is my first love. Hindi nawawala, hindi mawawala, hindi mamatay. Maybe, I liked Rekta. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya, 'di ba? He's so ideal, he made feel happy and content for years of being with him.

Pero tinatak ko na sa isip ko na hindi siya para sa akin, hindi siya pwede dahil merong taong para sa kanya talaga. And I believe he's pursuing her secretly, taga US ang babaeng iyon at hindi ako naniniwala na walang kapangyarihan si Rekta para gumawa ng hakbang na mahanap iyon kahit na pinagtataguan siya.

Hindi makwento si Rekta, hindi siya nagkukuwento tungkol sa mga kaganapan sa buhay niya noon. Pero noong una palang kaming naging magkaibigan ay alam ko na reserved siya kaya kaibigan lang talaga ang turingan namin.

I liked him the first year we've been friends, hindi mahirap gustuhin si Rekta. He's caring, gentleman, cute, sometimes jolly, sometimes grumpy.

Kilalang kilala ko siya dahil anim na taon kaming naging magkaibigan, pero kung gaano ko siya kakilala? Siguradong mas kilala siya ng babaeng iyon.

Huminga ako ng malalim, naputol ang paghinga ko nang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng kama. Baka si Cali. Kinuha ko agad iyon at sinagot habang nakatingin sa wall clock sa itaas ng pintuan.

Wala pa namang oras, ah? Maaga siya?

"Ashiel,"

Nanlaki ang mga mata ko nang madinig ang pamilyar na boses, napahugot ako ng malalim na hininga bago magsalita.

"H-Hello..." I stuttered.

"Ashiel, this is Em..." she sighed softly. "Sorry for calling."

"I-It's okay, Em." sabi ko, kabado. "U-Uh, w-what can I do for you?"

"Ash, what happened? I thought you and Rekta... bakit narito siya sa Greece? Did you tell him?" she said softly, sounds problematic.

Napasinghap ako.

"No, I did not, Em. Nangako ako sa'yo, wala akong pinagsabihan. Hindi ko alam na diyan siya pupunta, I thought he was having a photoshoot in US."

Damn, I knew it!

Isla Verde #4: Too Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon