Chapter 18: Last Minute

1M 18K 893
                                    

A/N: ENJOY!!!



(Violet's P.O.V)


Kyle is so dedicated about the upcoming wedding. Siya na halos ang nag-aayos ng preparations sa wedding which will happen 2 days from now.


At ako naman, ang ginawa ko lang ay ang pahirapan siya sa pagpreprepare sa kasal. Gustong niyang madaliin ang wedding? Pwes, I want it be delayed kaya ginagawa ko ang lahat just to sabotage the preparation.


Kagaya na lang ngayon.


We're here in a shop of wedding gowns. Pipili kasi ako ngayon ng wedding gown ko at kanina pa ako nagbubuklat ng mga pictures ng wedding gown pero wala pa rin akong napipili or let's just say sinasadya ko lang talaga ang matagalang pagpili.


"Tch, have you chosen a gown already?", Kyle asked and annoyance is now visible in his voice.

 

"Ba't ka ba nagmamadali ha? Bakit? Ikaw ba ang magsusuot ng gown? Kung nagmamadali ka, gusto mo kahit wala na akong suot sa araw ng kasal natin. Yun ba ang gusto mo ha?", pagtataray ko naman sa kanya at tumahimik na lang siya.

 

Napatingin naman ako sa may-ari ng shop na kay Kyle naman nakatingin at hindi sa akin. Imbes na tinutulungan ako, mas tinutulungan pa niya ang mata niya sa pag eexamine kay Kyle. Tss.

 

Napatingin naman silang dalawa sa akin nang isinara ko yung album ng pictures ng wedding gowns nila na binigay niya sa akin.

 

"I don't like any of their wedding gowns here. Let's go to other shops.", sabi ko naman sabay tayo mula sa pagkaka-upo ko.

 

"What? Then you should have said it earlier. We wasted 2 hours in here just for nothing.", iritadong sabi ni Kyle.

 

"Really? I don't think Miss Ferrer agrees with you."

 

Napakunot noo naman si Kyle sa sinabi ko habang yung babaeng owner ng shop ay namula sa hiya. Alam kasi niya ang gusto kong iparating sa sinabi ko.


"Tch. Let's go.", sabi na lang ni Kyle sabay hawak sa kamay ko at hinila na ako paalis.


Dumiretso naman kami sa isa ulit na wedding gown shop. Binigyan naman ako nung owner ng mga albums ng wedding gown nila. And unlike dun sa dalawang napuntahan na namin na shop, the owner is helping me out choosing a gown.


"Ma'am Violet, ano ba ang gusto niyong design kasi ng gown niyo? Gusto niyo ba ng tube? How about the color ma'am Violet?", tanong naman niya sa akin.

 

"Hmmm. You know, I really like the gown that was sketched by my friend. Gusto ko sanang iyon ang gown ko pero hindi niya yun maasikaso dahil busy siya so I was hoping, kayo ang umasikaso nun. I mean kayo ang gumawa. I don't want to rent a wedding gown, gusto kong tahiin ninyo tong gown na inisketch ng friend ko for me. That will be my wedding gown.", sabi ko naman sabay about sa kanya yung sketch ni Breth.

The Billionaire's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon