Chapter 10: Next Time

957K 18.9K 1K
                                    

<VIOLET>

 

“Miss Violet, let’s go inside.”, Gareth said

Parang doon lang naman ako natauhan. Nakatayo lang kasi kami dito sa labas. Nauna naman itong pumasok at sumunod na ako.

Hindi ko akalaing pagkatapos ng maraming taon ay babalik ulit ako sa bahay na toh. Akala ko iba na ang bahay ni Kyle. Hindi ko akalaing dito pa rin pala siya nakatira.

“Miss Violet? Kayo ba yan?”

 

Napatingin naman ako sa tumawag sa pangalan ko.

“Manang Lourdes…” Hindi ko naman napigilang hindi siya yakapin. Si Manang Lourdes ang mayordoma ng mansion nang nakatira pa ako rito. She’s been good to me when I was living here. She’s the one who took care of me in here.

“Naku Miss Violet, buti naman at bumalik na kayo.”, masayang sabi naman ni manang Lourdes

“Ahm…hindi po manang. I’m just here to talk to Kyle.”, sabi ko naman saka kanya at ngumiti ng alanganin

 

“Ganun ba? Nandun sa pool area si Sir Kyle. Puntahan mo na lang siya dun.”

 

“Sige po, maraming salamat Manang Lourdes.” Nginitian ko naman siya saka naglakad na ako papunta sa may pool area. It’s not like I don’t know the way para samahan pa nila ako. Napansin ko namang napapatingin sa akin ang mga maids dito at nagbubulungan pa na naririnig ko naman.

“Sino kaya siya?”

 

“Teka, parang pamilyar ang mukha niya…”

 

“Naku, siya yung babaeng nasa litrato dun sa may sala di ba?”

 

“Ai oo nga noh. Siya nga yun.”

The Billionaire's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon