Chapter 3: Bar 1

1.3M 24.6K 1.6K
                                    

<VIOLET>

 

3 days na rin ang lumipas simula  nung confrontation namin na yun ni Kyle and I’m relieved na hindi na siya nagpaparamdam ulit sa akin.

‘Are you’

 

Napa-iling naman ako sa sinabing iyon ng utak ko.

“So what now?! Violet was not able to convince Kyle to help our company, ano na ang gagawin natin?! You know how important Kyle’s help but you still did not manage to convince him?”, iritadong tanong naman ni Mr. Tan na isa sa mga board of directors na naririto ngayon sa conference room kasama naming.

“Enough Mr. Tan. Hindi kasalanan ni Violet na hindi niya nakumbinsi iyong lalaking yun na tulungan ang kompanya natin. I’m sure Ms. Villanueva tried everything she can to convince him to help us.”, pagtatanggol naman ni kuya Kevin sa akin

“Did she?”, sarcastic namang tanong ni Mr. Tan.

Naiinis man ako pero hindi ko pinapahalata. So anong gusto niyang gawin ko? Bumalik sa lalaking iyon para masalba ang kompanya?! I care for the company, I REALLY DO but I also care for my life na alam kong magiging impyerno pag bumalik ako kay Kyle!

“Maybe I can convince him.” Napatingin naman kaming lahat kay ate Valerie na nagsalita. Hindi ko nga alam kung bakit bigla siyang nagka-interest sa problema ng kompanya kasi dati naman wala siyang pakialam kahit nasa bingit na ng pagbagsak ang AC. But after hearing about Kyle, bigla itong nagka-interest.

“You can’t and he wouldn’t talk to you. And how come you’ve got interested about the company’s problem now?” Mapangkutya namang tanong ni kuya Kevin sa kanya. Kitang-kita naman ang pagkapahiya ni ate.

As you can see, they’re not on good terms ni kuya. Nagsasama nga sila sa iisang bahay pero hindi sekreto sa amin na hindi na maganda ang pagsasama na nila. And we understand kung bakit ang cold na ng trato ni kuya Kevin kay ate. Kasalanan naman kasi ni ate dahil nilinlang niya si kuya noon.

“Bakit? I’m still part of the company. I work as the company’s model kaya I care about the company. Our FAMILY’S company, honey.” At pinagdiinan pa talaga ang family.

The Billionaire's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon