Prologue

2.5K 55 7
                                    



Drake





Kinonfiscate ng Dad ko yung kotse ko. Pupunta pa man din ako sa party nung kaibigan ko, nakakahiya.


Bwisit na bwisit nga ako pero sumakay pa rin ako ng bus, wala eh, no choice! Sakong pagka-akyat ko naman ng Bus ay biglang nagkagulo ang mga tao doon.


Hindi ko alam kung bakit dahil kakasakay ko pa lang naman hanggang sa magsalita yung isang lalaking maraming tattoo at may hikaw pa sa ilong.


"WALANG GAGALAW!" tapos itinaas nila ang mga kamay nilang lahat, maliban sa akin at sa isang babaeng nakaupo sa tabi ko. "May baril ako! BABARILIN KO KAYO!" 


Natakot ako kaya itinaas ko rin ang kamay ko, pero katulad kanina, hindi pa rin nakataas ang kamay nung babaeng katabi ko. Tapos nagsalita siya.

"Natural! may baril ka, babarilin mo kami. Alangan isaksak mo 'yan samin?"


"HAHAHAHHAHA!" tawang-tawa ako sa sinabi nung babaeng katabi ko, at napahawak pa nga ako sa tiyan ko. Oo nga naman! Tanga rin 'tong holdaper na 'to eh.


Habang tawa ako ng tawa, nakita kong nakatingin yung mga kasama naming nakasakay rin sa bus samin at takot na takot pa rin sila. Nawala na yung takot ko dun sa holdaper bigla. Hahahaha! "Hoy ano ba, BILISAN MO!" sabay hatak nya sakin. Astig huh!


**

Yun ang unang pagkikita namin. Hindi ko ba alam kung anong sumapi sakin, basta ang alam ko lang, hindi ko naman sinadyang mainlove sa kanya... hay

He's Dating The PANGETWhere stories live. Discover now