HDTP 9

86 6 2
                                    

9. // Stranger-zone

Sela

Umiiwas nga pala ako ngayon kay Drake nang dahil sa huling sinabi niya sa akin. Yung tungkol sa nagseselos daw ba ako? Ewan ko ba kung ba't ako umiiwas.

From: Drake Evans

Where r u?

Di ako nagreply. Nagmadali na lang akong maglakad para makarating sa room. Nakalimutan ko, magkaklase nga pala kami.

Nandun lang sya at nakaupo habang pinagmamasdan akong umupo. Hindi ko siya tinignan. Parang may nararamdaman akong... ilang? Hay ewan! Mabuti na lang at malayo ang upuan namin sa isa't isa.

Nagulat ako nang magtext ulit siya.

From: Drake Evans

Iniiwasan mo ba ko?

Itinago ko na ang cellphone ko dahil biglang dumating ang Prof. Pagkatapos ng klase, nagmadali rin akong umuwi. Sumakay na lang ako ng taxi dahil baka sundan pa ako ni Drake. Diretso uwi kagad ako sa condo. Di ko din nasabi kay Cheese na uuwi ako kagad.

Ano bang problema ko?! Hays hindi ko rin alam.

Ang alam ko lang, gusto ko siyang iwasan.

"I'm just protecting you... nagseselos ka ba?"

Jusko! Ano nga ba? Nagseselos nga ba ako? E bakit naman ako magseselos, e wala naman akong karapatan. FAKE girlfriend lang naman ako eh.

Drake calling..

Anak ng labimpitong pusa!!

Hindi ko sinagot. Pinatay nya rin naman agad yung tawag. Mabuti naman.

*ding dong!*

Sino yun? Wala naman akong ineexpect na bisita eh.

Agad kong binuksan yung pinto at nakita ko si Drake. Masama ang tingin niya sakin.

Pumasok sya kaagad kahit hindi ko sya pinapatuloy.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Eh ikaw, anong trip mo at bakit mo ko iniiwasan?!" Galit sya.

"Eh...." my gosh paano na itooo?! Anong sasabihin ko?

Think Sela! Think!

"Hindi kita iniiwasan Drake, hehe. Baka talagang di lang tayo nagkakatagpo??" hndi pa siguradong sagot ko.

Nakatingin lang sya sakin hanggang ngayon at wala syang karea-reaksyon. Bigla syang lumabas nang hindi nagpaalam at padabog na sinarado ang pinto.

Anyare?





Drake

Damn! Ano bang problema ko at bakit nagpunta pa talaga ako dun para malaman kung anong problema niya?! Just wow, Drake.

Wala ako sa sariling nag drive papunta sa pinakamalapit na bar dito.

Ngayon lang ako nakapunta rito. Hindi ko alam na may ganto pala na bar rito?

"Jack Daniel's" sabi ko doon sa nagseserve.

Kaagad niya naman inabot sakin at nilagok ko kaagad ang isang shot. At isa pang shot. At isa pa. Hanggang sa makarami ako.

Hindi pa naman ako ganun ka-lasing. Kaya ko pa naman.

Nagpunta ako sa mga tao na nagsasayaw at nakisayaw sa kanila.

May nakita naman akong maganda kaya naman sumayaw ako sa tabi niya. Nakita niya ako, at nakipagsayaw sya sa'kin.

Hanggang sa hinalikan nya ako at...

*BOOOGSH!*

May biglang sumapak sakin! "Tang*na ang landi mo!" hndi naman na ako maka dilat dahil lasing na rin ako at sinapak naman ako neto kung sino man sya. Sa babae nya ata yun sinabi.

Naaninagan ko naman na paalis na yung lalaki at babaeng kasayaw ko kanina.

Hindi ko alam paano ako makakauwi neto. Ni hindi ko ata kayang maglakad papunta ng sasakyan ko.

"Iinom inom kasi tapos hindi naman pala kaya."

Pamilyar sakin ang boses na yun ah?? Hindi ko naman sya makita dahil masakit ang mata ko. Pinilit ko itong idilat at nakita ko si....



"Sela???"




----END OF CHAPTER 9.

He's Dating The PANGETWhere stories live. Discover now