HDTP 5

374 14 1
                                    


5. // Scarlette





Sela




Hayyy hindi ako maka get-over sa fifty shades of grey, hindi ko makalimutan yung mga eksena. Patuloy na nagp-play back sa isip ko.


*Hoy panget gumising ka na!!! May trabaho ka pa~*


Akala niyo may nag salita no? Ringtone ng cellphone ko yun. Ni-record kasi dito ni Drake yung boses niya, pagkatapos ay ginawang ringtone.


"HELLO! ANG PANGIT NG BOSES MO AH! BAT KA BA TUMAWAG ANG AGA PA—"


[Hello apo, masyado pang maaga para ma-high blood ka. Hihihi]


⊙﹏


Nyayyy. Lolo pala ni Drake ang may gamit ng cellphone niya, akala ko sya.

"Ayy sorry po, Lolo. Yung kapitbahay po kasi namin kagabi, nagvi-videoke hanggang madaling araw. Kaya ayun po, wala akong tulog."


[Ayy ganun ba... hoy Drake! Puntahan mo si Sela, wala syang tulog, ipagluto mo sya]


[Bat ipagluluto ko? Eh wala lang naman tulog!]


[Basta ipagluto mo na lang! Ganyan rin ako sa lola mo nang sya ay nabubuhay pa..]


[Baka maiyak ka nyan ah]


Natatawa ako habang pinapakinggan ko kung paano sila mag-usap na dalawa. Parang walang galang si Drake sa Lolo nya, pero sa totoo lang, ang cute nila.

Ibinaba ko na yung tawag. Tutal eh nakalimutan naman yata nila na kausap nila ako. Hays. Bumangon na lang ako atsaka ako nagluto ng makakain.

Nag-sangag ako ng kanin tapos yung ulam, bacon and eggs ∩__∩


*ding donggg*


Naks may nag doorbell, housekeeping siguro 'yun?


Kaagad ko namang binuksan 'yung pinto at nagulat ako sa kung sino ang nakita ko.


"Oh Drake, akala ko ba hindi ka pupunta dito?" patuloy pa rin ako sa pagluluto.


"Ayaw mo ba? Sige wag na lang" umarte pa sya na parang aalis na sya sa condo—naku as if naman aalis yan, eh walang pasok ngayon. Ang hilig nya lang gawin ay katulad sa mga tipikal na lalaki, ang mag xbox, magpunta ng bar o kaya mag COC.


"Naku sige umalis ka.. nagluto pa man rin ako ng bacon and eggs..."


He's Dating The PANGETWhere stories live. Discover now